Enrique Gil on AlDub: "Congrats sa kanila, bini-bless sila ni Lord ngayon."

Enrique Gil on relationship status with Liza Soberano: "We’re at the point na masaya kami sa isa’t isa."


Isa ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil sa pinakasikat na tambalan ngayon ng ABS; kasama ang KathNiel nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Bagay na ikinatutuwa naman ni Enrique, kaya sana raw ay tigilan na ng fans ang pag-aaway-away.

Sabi ng Kapamilya actor, “Masaya, Kapamilya ang tawag namin sa isa’t isa, so walang kalaban, there’s nothing like that.

“So, yung mga fans namin at fans nila, let’s all be cool.

“Ayoko ng loveteam wars, para saan ba yun?

"Sa akin, sayang kung nag-aaway-away."

Masaya rin daw si Enrique sa tagumpay ngayon ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, na napapanood sa kalaban nilang network na GMA-7.

Nagbigay pa ng mensahe ang Kapamilya star para sa AlDub.

“Congrats sa kanila, bini-bless sila ni Lord ngayon kaya…

"Continue doing what they have to do, make the people happy.

“Kasi kaya kami inilagay sa posisyon na ito para magpasaya ng mga tao.

“Lahat ng ginagawa namin galing kay Lord yun, so just keep on going.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Enrique pagkatapos ng ASAP XX noong Linggo, November 22.

THE PRICE OF SUCCESS. Mainit na tinanggap ng mga manonood ang teleserye nina Enrique at Liza na Forevermore.

Patok din sa takilya ang mga pelikula nila na Just The Way You Are at Everyday I Love You.

Aminado si Enrique na habang mas nagiging matagumpay ang mga ginagawang proyekto ay lalo namang tumitindi ang pressure para sa kanya.

“Oo, siyempre mas lalong nag-i-expect ang tao na after one project, kailangan it’s better or will exceed yung last project mo.

“Ganun lagi ang mga tao, e, and it’s hard.

"Kasi may mga projects na gusto talaga ng mga tao o kaya di talaga trip ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You’ll never know kung ano ang gusto ng viewers, you’ll never know sa dami ng viewers.

“Pero as much as possible, we try to give what they want, what they want, what they see.

“But you can’t please everybody, yung pressure nandun… will the people like it or not?

“Basta ang gusto lang namin, a project na magugustuhan ng mga tao.

“Pag di pumatok yun, di nila nagustuhan or di para sa kanila.”

Dagdag niya, “Masaya, we started off na siyempre kinakabahan kami kasi we didn’t know how people would take it.

“Pero, right now, we’re super happy na naging blockbuster and everybody was loving it."

Masaya namang ibinalita ni Enrique na tuloy na tuloy na ang teleseryeng pagsasamahan nila muli ni Liza sa Kapamilya network.

“We’re happy and feel blessed, we’re just enjoying the time before mag-start uli yung teleserye.

“Mag-i-start kami soon, mas light na siya, baka sa role… trying to be mature.

“Mahirap i-explain kasi di pa talaga final lahat until we start.

“Basta ang masasabi ko lang, light lang siya, masaya, hindi siya mabigat…

"Parang Forevermore feel lang."

STATUS OF RELATIONSHIP. Samantala, consistent pa rin si Enrique sa pagsasabing wala pang label kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Liza.

Ang mahalaga raw sa aktor ay alam nila na mahal nila ang isa’t isa.

Pahayag ni Enrique, “We’re good, we’re okay.

"We’re at the point na masaya kami sa isa’t isa.

“Hindi ko ma-imagine nung nagkita at nagkakilala kami na ganito ang mangyayari, na sa lahat ng projects, kami ang magkasama.

“Pakiramdam ko lagi, ‘Nasa'n si Liza, dapat nandirito siya.’

"Nasanay na kami na laging magkasama.

“Alam mo, para sa akin, yung labelling na sinasabi na tayo na, para sa akin di yun importante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa iba importante yun. Pero sa akin, it’s the relationship that you have, how you treat each other.

“Bawal pa siya, sa akin okay lang.

"At least alam natin sa isa’t isa na mahal kita, mahal mo ako.”

Ikinuwento pa ni Enrique ang bonding nila with their families.

“Magkasama kami kahapon, nag-Batangas kami, family outing lang.

“Nag-chill lang, in-invite namin yung family nila, sobrang saya.

“Nag-jet ski, nag-snorkling kami sa Sanctuary. Nag-lunch, nag-dinner kami sa dagat.

"Ang sarap, the best!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN