Andi Eigenmann upset over ex-boyfriend Albie Casiño’s alleged reaction to DNA test result

Andi Eigenmann: "I don't know there's an issue about DNA testing. When it came out, I was so upset because he [Albie Casiño] could just ask me about it or talk to me about it. But he chose not to."


Hinarap ni Andi Eigenmann ang isyu tungkol sa salpukan nila ng mga salita ng ex-boyfriend na si Albie Casiño.

Nag-ugat ito sa balitang mayroon na raw DNA test result na nagsasabing hindi si Albie ang ama ng four-year-old daughter ni Andi.

Ngunit itinanggi ni Albie na sa kampo nila galing ang DNA test issue.

"Ow, saan galing? Well, if it didn't come from him… okay, stop it. Stop answering the questions," reaksiyon ni Andi.

Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa pinakahuling presscon ng pelikula niyang Angela Markado noong Martes, November 24.

Hindi na raw alam ni Andi kung okey pa sila ni Albie, kahit sinabi ng aktres sa interview noong unang presscon ng Angela Markado na nagkaka-text na sila ng ex-boyfriend.

"I don't know anymore. I don't know there's an issue about DNA testing.

"When it came out, I was so upset because he [Albie] could just ask me about it or talk to me about it. But he chose not to.

"I'm okay about it. But I guess, alam mo yun, it's not really relevant in my life."

ELLIE’S BIRTHDAY. Napangiti naman si Andi nang kinumusta ng press ang nakaraang birthday ng anak.

Napuno ng messages of love ang Instagram wall ni Andi para kay Ellie.

Masayang kuwento ni Andi, "Kahapon [Nov. 23] ang birthday niya.

"Sa school muna kami nag-celebrate. Nagpakain po muna kami ng mga classmates niya.

"May cake, balloons. Nag-dancing dancing.

“Then, we went to the mall and then I bought her presents.

"Nag-dinner kami with my mom [Jaclyn Jose] plus Jake [Ejercito], my kuya [Gabby Eigenmann]."

Nahihirapan man siya sa pagiging single parent, suwerte raw si Andi na nakapaligid sa kanya ang mga kaibigan at pamilya para sumuporta sa kanya.

"That would make it easier. Mahirap but I got their support, " saad ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN