James Yap attends Bimby’s first communion; Kris Aquino thanks ex-husband

Nakadalo si James Yap sa first communion ng anak na si Bimby, isang araw matapos mag-post si Kris Aquino tungkol sa kawalan daw ng kusa ng basketbolista para sa kanilang anak.


Sumipot ang PBA player na si James Yap sa first communion ng anak nila ni Kris Aquino na si Bimby ngayong Huwebes, November 26.

Ito ay matapos mag-post si Kris sa kanyang Instagram account kahapon, November 25, ng hinaing niya tungkol sa kakulangan diumano ng kusa ni James para sa kanilang anak.

Ikinuwento ni Kris sa Instagram na matagal na raw niyang tinext si James tungkol sa mahalagang okasyon na ito para sa kanilang anak, subalit hindi umano sumagot ang dating asawa.

Taliwas ito sa sagot ni James sa isang nag-comment sa Instagram, kung saan sinabi nitong sumagot na siya kay Kris “matagal na.”


“THANK YOU, JAMES.” Sa kanyang Instagram ngayong umaga, nag-post ang TV host-actress ng mga larawan mula sa first communion ni Bimby.

Kasama sa mga nasabing larawan si James, gayundin ang mga mahal sa buhay ni Kris, kabilang ang kaibigang si Vice Ganda.

Sa unang larawan, magkasama sina Kris, James, at Vice.

Caption ni Kris dito: “For the love of Bimb.”

Pinasalamatan niya rin sina James at Vice.

For the LOVE of Bimb. Thank you James & thank you @praybeytbenjamin 

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onNov 25, 2015 at 6:09pm PST

Congratulations Bimb! You are LOVED!

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onNov 25, 2015 at 7:43pm PST

Sa iba mga larawan, makikita ang iba pang miyembro ng pamilya ni Kris kagaya ng panganay na anak si Joshua at mga kapatid na sina Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino-Abellada.

Sa comments section, maraming netizens ang natuwa na nakapunta si James sa first communion ng anak matapos pag-usapan ang naunang post ni Kris tungkol sa dating asawa.

Kuya Josh, Tita Ballsy, Tita Pinky & Ninay (@boss1020) - we all LOVE Bimb. 

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onNov 25, 2015 at 6:18pm PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN