Enzo Pineda denies breakup rumor between Rocco Nacino and Lovi Poe: “Going strong ang relationship nila.”

Enzo Pineda defends friend Rocco Nacino: “I know Rocco since day one sa StarStruck. And alam ko kung gaano kamahal niya si Lovi at hindi niya gagawin na… wala siyang gagawin na bagay para masira ang relationship nila.”


Matalik na magkaibigan sina Enzo Pineda at Rocco Nacino, na parehong produkto ng GMA reality-based artista search na StarStruck Season 5.

Kaya’t hiningan namin ng pahayag si Enzo tungkol sa napapabalitang breakup ni Rocco at ng aktres na si Lovi Poe.

Inamin ni Enzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na napag-uusapan nila ni Rocco ang nasabing issue.

“Sa totoo lang po, nakasama ko si Rocco yesterday.

"Alam kong may mga issues na lumalabas about him and, para sa akin, I trust Rocco and hindi totoo yung mga nangyayari.

“Him and Lovi are happy together and isa sila sa mga pinaka-close kong kaibigan sa showbiz.

“And yung mga naririnig ninyong mga issues ngayon, hindi totoo yun.

"And I know Rocco since day one sa StarStruck.

"And alam ko kung gaano kamahal niya si Lovi at hindi niya gagawin na… wala siyang gagawin na bagay para masira ang relationship nila."


MONEY MATTERS. Hindi naniniwala si Enzo sa isyu na ginastos o “nilustay” diumano ni Rocco ang pera sa joint account nila ni Lovi.

“Hindi po totoo yun!” bulalas niya.

Hindi ba’t may pera naman si Rocco dahil maayos ang takbo ng showbiz career nito at may negosyo pa siya?

Tugon ni Enzo, “Yes. Rocco and Lovi are doing well with their careers so…”

Sa palagay ni Enzo, bakit naiintriga ng ganito ang kaibigan niya?

“Tingin ko, hindi naman talaga mawawala yung mga issues sa mga artista.

“Kahit ako, I get a lot of issues all the time, like, mga in a year, may mga issues na, ‘Ay, bakit ganun? Bakit sinabi nila ganun?’

“Pero siguro hindi mo maiiwasan yung mga perception ng ibang tao, ng mga manonood.

“Siguro mas naging private lang si Rocco and Lovi kaya parang ang dami ng issues na lumalabas.

"Pero knowing Rocco and Lovi, wala po silang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Going strong ang relationship nila.

"Kung anuman yung mga issues na 'yan, alam kong they can handle it.

“Kasi kilala ko sila at mabuting tao si Rocco.”


STARSTRUCK SEASON 6. Tinanong din namin si Enzo kung bakit si Rocco at hindi siya ang kinuha bilang isa sa journey hosts ng Season 6 ng StarStruck.

Si Enzo ang First Prince (first runner-up) samantalang si Rocco ang Second Prince (second runner-up) ng Ultimate Male Survivor ng batch nila na si Steven Silva.

Sabi niya, “Para sa akin, I don’t mind.”

Hindi raw siya nagtanong kung bakit si Rocco ang kinuha at hindi siya.

“Tingin ko, decision din naman ng StarStruck 'yan.

"And kung bigyan ako ng pagkakataon na mag-host, why not? Kung hindi, okay lang.

“And Rocco is a good host also.

"And nagge-guest din naman ako sa StarStruck so I don’t really mind.

"At hindi ko po kinukuwestiyon yung mga decision nila."

Hindi rin daw sumama ang loob ni Enzo sa nangyari.

“Hindi po, hindi po.

"Basta naniniwala ako, pag para sa akin, para sa akin talaga.

"And siguro that’s when I have to make the most out of the opportunity."

Dagdag niya, “I think mas sanay si Rocco sa mga ganung klaseng hosting.

"Pero ako, if given the chance why not? Kung para sa akin.

“If not, marami pang opportunities.

“Right now mas gusto ko rin talaga mag-focus sa acting, so I have Because Of You.”

Sina Carla Abellana, Rafael Rosell, at Gabby Concepcion ang mga bida sa bagong teleseryeng ito ng GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN