Derrick Monasterio does not envy Alden Richards: "Lahat naman kami ay natutuwa para sa kanya..."

Derrick Monasterio on Alden Richards' humility: "Kahit ngayon, wala namang nagbago sa kanya, yung pag-uugali niya. Kung ano siya noon, ganun pa rin ang pakikitungo niya sa amin. Magkakaibigan naman kami sa umpisa pa lang. Ganun pa rin naman siya, kung paano siya magsalita, kung paano siya [pabirong] manakit."


Hindi raw naiinggit si Derrick Monasterio sa kasikatan ngayon ng kaibigan at kapwa Kapuso stars na si Alden Richards.

Kahit noong wala pang AlDub love team sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!, si Alden ang nararamdaman nilang susunod sa kasikatan noon ni Aljur Abrenica.

Sabi ni Derrick, "Noon pa man, alam na namin na siya na talaga ang next in line.

"Kumbaga, siya na talaga.

"Lahat naman kami ay natutuwa para sa kanya. Kasi sobrang bait naman talaga ni Alden.

"Kahit ngayon, wala namang nagbago sa kanya.

"Yung pag-uugali niya, kung ano siya noon, ganun pa rin ang pakikitungo niya sa amin.

"Magkakaibigan naman kami sa umpisa pa lang.

"Ganun pa rin naman siya, kung paano siya magsalita, kung paano siya [pabirong] manakit."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press si Derrick sa contract signing niya sa GMA Records, sa 17th floor ng GMA Network Center, noong November 25.


DREAMS OF STARDOM. Sa tingin ba ni Derrick ay puwedeng mangyari sa kanya ang nagaganap ngayon sa career ni Alden?

Sagot niya, "Puwede. Kung nangyari sa kanya, bakit hindi ko naman kaya?

"Mag-uumpisa lang 'yan sa sarili ko, e.

"Once na nai-value ko na... I mean, mahal ko po ang work ko, pero once na 100 percent focused...

"Kasi ngayon, aaminin ko na... kasi may school, may kung anu-anong extra-curricular activities.

"Pero once na ilagay ko ang 100 percent ko, baka."

Ayon sa iba, may nabubuong kumpetisyon sa pagitan nina Alden at Derrick kung sino sa kanila ang pinakasikat na male celebrity ngayon.

Ano ang pakiramdam ni Derrick tungkol dito?

Saad ng 20-year-old actor-singer, "Nakakatuwa.

"Nakakatuwa kasi, like yung mai-compare ka sa kanya, parang 'Oy...'

"Kasi, parang iniisip nila na kayo ang magkalaban, pero wala naman talagang laban.

"Parang kami yung match. Nakakatuwa naman kasi we all know naman na Alden is there na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yung parang idikit mo ang pangalan sa kanya, it means it's positive, di ba?

"So, yun ang nakakatuwa."

Ayon kay Derrick, magkaibigan sila ni Alden.

"Sobra, sobra.

"Paano kami off-cam? Makulit.

"Para kaming magkapatid..."

Hindi kaya sabihin ng iba na ginagaya ni Derrick si Alden?

Biglang pagkontra ni Derrick, "Ay, hindi! May sarili akong style."


UPCOMING ALBUM. Ano ang pakiramdam ni Derrick ngayong pumirma na siya bilang GMA Records artist?

Sagot ng Kapuso actor,"Siyempre, masaya po ako.

"Actually, almost tapos na ang lahat ng songs [para sa album].

"May isang original song na kinumpose ang GMA Records for me. Ang title niya ay 'Give Me One More Chance.'

"Sana yun [ang maging carrier single niya] kasi tagos na tagos sa puso.

"Inaayos na po ang lahat para mai-release na rin po siya."

Bilang recording artist, hindi kaila na naging platinum record kaagad ang Wish I May album ni Alden.

Dahil dito, nape-pressure ba si Derrick, na kamakailan lang ay pumirma ng contract bilang GMA Records artist?

Sagot niya., "Sa ngayon, mahirap.

"Walang kumpetisyon kasi magkaiba naman kami ng genre.

"Magkaiba kami ng level.

"Siyempre, yung level niya ay nandun [sa taas].

"Ewan ko kung mapapantayan [ko], pero sana naman.

"Sana naman ma-realize din nila yung talent ko, yung pagiging singer ko.

"Gusto ko ano... classical/acoustic/ballad, yung parang Christian Bautista.

"Gusto kong maging balladeer. Yun talaga ang forte ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN