Kris Aquino on ex-hubby James Yap: “For the love of a child, we just have to set aside differences & work on mutual respect.”

Kumambiyo si Kris Aquino sa kanyang hinaing laban sa dating mister na si James Yap. Nagkapaliwanagan ang dalawa sa first communion ng kanilang anak na si Bimby ngayong araw, November 26. Bukod kay James, dumalo rin sa okasyon ang kaibigan ni Kris na si Vice Ganda.


Nag-iba na ang tono ni Kris Aquino mula sa kanyang hinaing sa dating asawa na si James Yap, pagkatapos dumalo ng PBA player sa first communion ng kanilang anak na si Bimby ngayong araw, November 26.

Kahapon kasi ay nag-post ng mensahe si Kris sa Instagram dahil hindi diumano sumasagot si James sa ipinadala niyang text message noong October 31.

Read: Kris Aquino lambasts ex-hubby James Yap anew; erases 50 percent of her Instagram posts

Pero ngayong araw, November 26, dumating si James sa idinaos na first communion ng kanilang anak.

Pinasalamatan naman ni Kris si James dahil sa pagdating nito sa okasyon.

Read: James Yap to son Bimby: “Ang love ko sa ‘yo ay ang isang bagay na 'di kayang alisin ng nino man…”

“WORK ON MUTUAL RESPECT.” Ilang oras pagkatapos ng first communion ni Bimby, muling nag-post si Kris sa kanyang Instagram upang linawin kung bakit hindi siya nakatanggap ng sagot mula sa kay James.

Sinamahan ito ng Queen of All Media ng screen shots ng kanilang palitan ng mensahe.

Sinabi rin niyang kahit mahirap ang kanilang sitwasyon bilang dating mag-asawa, pinili nilang iwaglit ang anumang hindi pagkakaintindihan para sa kanilang anak.

Aniya, “The TRUE STORY: nagkausap kami ni James, and I showed him my phone w/ no reply, and he showed me his where he replied- October 31 after I sent my 2nd text.

“It could be that I am using an iPhone & his was Samsung. I was using iMessage, my roaming was on but I turned off data roaming on that phone and relied on wifi.

“I checked my messages in settings & SEND AS SMS was ON. The text invitation was sent Oct 31 while we were in Hawaii...

“It is hard to be an ex couple, but for the love of a child, we just have to set aside differences & work on mutual respect. Patience & Effort lang talaga. Ÿ˜‡”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN