Bret Jackson says success has not spoiled his friend James Reid

Bret Jackson on James Reid: "He’s the same guy. He doesn’t really talk to so many people. Some people might say, ‘Oh, he’s snobbish.’ But he’s quiet lang talaga."


Kung mayroon man masasabing pinakamalapit na aktor sa Viva artist na si Bret Jackson, ito ay walang iba kundi si James Reid.

Nagkasama sina Bret at James bilang housemates sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010, kung saan si James ang itinanghal na Big Winner.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bret ang pagkakaibigan nila ni James at kung close pa rin sila sa kabila ng kasikatan at pagiging busy ng huli.

Nagkikita o nagkakasama pa rin ba sila?

Nakangiting sagot ni Bret, “Of course, he’s always sleeping at my house.

"I live in Q.C. [Quezon City] and if he has work in ABS-CBN or Q.C., [he tells me,] ‘I don’t wanna drive to Makati. Can I stay in your house?;”

May nagbago ba kay James, lalo na ngayong sikat na sikay ito?

Sagot ni Bret, “No. James is the same James as ever.

"He’s just like—he only has a few friends, like me and I don’t know... parang kami lang.

"I guess like that. He’s the same guy.

“He doesn’t really talk to so many people.

"Some people might say, ‘Oh, he’s snobbish.’ But he’s quiet lang talaga."

Nakausap ng PEP si Bret sa presscon ng pelikulang Angela Markado sa The Music Hall, Metrowalk, Ortigas City, noong November 24.

PLAYBOY IMAGE. Ano ang reaksiyon ni Bret sa impression ng ilan na playboy sila ni James?

“That’s okay!” natawang sabi niya.

“At least there’s no issue that Bret and James are gay. Never liked that.”

May nag-akala o nagbigay ba ng malisya sa sobrang pagiging malapit nilang dalawa ni James?

Sagot ni Bret, “No, I think everyone knows that James and I, especially before..."

Sa showbiz kasi, nabibigyan ng malisya o napagdududahan minsan ang pagiging masyadong malapit ng dalawang lalaki sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila takot na gawing isyu yun?

Natatawang tugon ni Bret, “No, that never happened!

“Everyone knows that James likes girls and I like girls.”


SIMILARITIES, DIFFERENCES WITH JAMES. Sino sa kanila ni James ang mas seryoso pagdating sa pakikipagrelasyon?

“I think James. He’s in a longer relationship.”

Sino naman ang nakikita niyang unang magse-settle down sa kanila?

“It depends on who’s gonna have a kid first!” mas natawa pang sabi ni Bret, sabay bawi ng, ‘Joke lang, joke lang!’”

Magkaiba raw ang taste nina James at Bret pagdating sa babae.

Ani Bret, “We’ve never had the same girl. I guess that’s the good thing.

"We’re so alike but completely different."

Masaya si Bret sa popularidad ni James ngayon.

Ayon kay Bret, “Of course, it’s so long, four years that he’s been with Star Magic and nothing happened.

"Also me. Then, Viva bigla and everything.

“Back in the days, we used to go to Greenhills and no one looks at James. No one cares at all.

"Now, if he goes there..."

Hindi ba naiinggit si Bret sa kung anuman mayroon ang kaibigan ngayon?

"No, kasi, I’m working so much also.

"It’s like whatever he has, I’m happy for him.

"Whatever I have, I’m happy."

Nakikita ba ni Bret ang sarili na kasing sikat ni James?

“I don’t know. Hopefully,” nakangiting sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN