Mika dela Cruz reveals sister Angelika's no-boyfriend-till-18 policy on her

Mika dela Cruz on older sister Angelika dela Cruz's policy: “May kontrata ako sa kanila simula noong trese ako na bawal akong mag-boyfriend hanggang 18. Kapag 18 na ako, puwede na. Opo, sa totoo lang, ang ate ko ang mahigpit."


Magde-debut na ang Kapamilya teen actress na si Mika dela Cruz sa isang taon.

Magiging maluwag na ba ang ate niyang si Angelika dela Cruz pagdating sa love life?

“May kontrata ako sa kanila simula noong trese ako na bawal akong mag-boyfriend hanggang eighteen.

"Kapag eighteen na ako, puwede na.

“Opo, sa totoo lang, ang ate ko ang mahigpit!” natatawang pag-amin ni Mika nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Angela Markado noong November 24.

Hindi naman itinago ni Mika na nagkaroon na siya ng crush.

“Sa totoo lang po, lovelife-wise, meron po akong nagiging inspiration.

"Pero never po na official na boyfriend po. Kasi, hindi sang-ayon si Ate at bantay-sarado po sa akin yun."

RYLE PAOLO SANTIAGO. Hindi rin itinanggi ni Mika na naging malapit sa kanya si Ryle Paolo Santiago, anak ni Sherilyn Reyes kay JunJun Santiago.

“Naging inspiration ko po siya for a while.

"Kumbaga, lumalabas po kami, nagmu-mall po kami.

"Na-meet ko si Ate Sherilyn.

"Parang puppy love po.

“Naging crush ko po siya, tapos siya rin po sa akin.”

Nanligaw ba si Ryle kay Mika?

“Ay, hindi po, yun po ang bawal. Parang inspirasyon lang po, ganun lang po,” tugon ng dalaga.

Hindi agad nakasagot si Mika nang tanungin kung bakit naputol ang pagiging inspirasyon nila ni Ryle sa isa’t isa.

Nangingiting saad ni Mika, “Mahirap pong ikuwento, e.

“Hindi nag-work po.

"Basta yun nga po, ang kundisyon ni Ate, bawal ang boyfriend.

"Pero pagka-18 ko naman daw po, kahit na sinong manligaw, magiging maluwag naman po sila.

“Pero ako rin naman po, kahit na payagan ako ng ate ko na mag-boyfriend, parang ayokong sayangin yung years ko na bata.”

PAUL SALAS. Sila naman ni Paul Salas ang magkapareha sa ABS-CBN primetime series na You're My Home.

Lahad ni Mika, “Actually po before, noong bata pa po kami, dun po kami na-discover ni Direk Jerry [Sineneng] sa Dahil May Isang Ikaw po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami po ang young Kristine [Hermosa] at Jericho [Rosales] po.

“Love triangle po namin si Nash Aguas na young Sid Lucero po.

“Doon po kami na-discover ni Direk Jerry at sabi po niya, 'Kapag lumaki kayong dalawa, gagawan ko kayo ng project.’

"Yun po, nagkatotoo."

Kaya pareho lang daw sila ni Paul na masaya na nagkatotoo ang ipinangako sa kanila ng direktor.

Ayon pa kay Mika, “At saka si Direk Jerry po, lahat ng malalalim po na lumalabas na acting skills ko po, sa kanya.

“Even po yung MMK [Maalaala Mo Kaya] namin ni Ms. Claudine Barretto po, yung pagbabalik niya po, si Direk din po ang kumuha sa akin kaya I’m very thankful po.”

Gusto ba ni Mika na i-develop sila ng ABS-CBN ni Paul bilang love team?

“Opo, kung pagbibigyan po,” nakangiting sagot ni Mika.

Dagdag niya, “Sobrang close friend po kami ni Paul bata pa lang kami. Pero ten years old pa lang kami nun.

"Seventeen na kami pareho ngayon so may seven years din na hindi kami nagkita.

“Dati, hindi naman kami sobrang close ni Paul.

"Pero ngayong tumanda na kami, ngayon po kami naging close.

"Masaya pong katrabaho si Paul."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN