Teen actress Mika dela Cruz welcomes daring roles: "Okey lang po sa akin. Kahit gaano pa kaselan."

Mika dela Cruz prefers to be acknowledged as an actress more than being popular: "Ayoko pong sumikat na talagang for fame lang. Gusto ko pong mapansin ang acting ko, mabigyan ako ng mas challenging roles po, yung maipapakita ko talaga kung ano ang kaya ko. Mas gusto ko pong makilala bilang aktres. Kasi po ang aktres, hindi nawawala basta magaling ka.”


Si Mika dela Cruz ang gumaganap na kapatid ni Andi Eigenmann sa Angela Markado, ang remake ng 1980 film na pinagbidahan ni Hilda Koronel at idinirek ng yumaong National Artist for Film na si Lino Brocka.

Ang bagong version ay idinirek naman ni Carlo J. Caparas.


Makikita sa trailer ng Angela Markado na tila may eksenang mare-rape si Mika, tulad ng nangyari sa karakter ni Andi.

Paliwanag ni Mika, “Hindi naman po ako mare-rape, hindi po matutuloy.

“Pero ang pinakamahirap pong eksena ko rito, noong mamatay po ang nanay namin.

"And then gumanti po ang rapist kay Andi nang makatakas siya.

“In-abduct naman po kami ni Bugoy [Cariño] at gusto po nilang gawin at ulitin sa akin yung ginawa nila kay Andi, pero na-save niya po ako.”

Hindi gaya ng ibang teenager na artista na hindi pumapayag sa mga maseselang eksena, tulad ng rape, walang restriction si Mika tungkol dito.

Katuwiran niya, “Ang sa akin lang, ayoko lang na may makikita sa katawan ko.

"Pero acting wise, wala, okey lang po sa akin. Kahit gaano pa kaselan.

“Yung sa MMK namin, nabuntis ako ng tatay ko, okey lang.

"Basta noong nag-briefing sa role, sinabi ko lang na ayokong may makikita sa katawan ko.

"Yun lang po, sinabi ko na kahit anong acting, kahit anong ipagawa, basta hindi ako makitaan.”

YOU'RE MY HOME. Hindi lang Angela Markado ang proyekto ni Mika.

Kasama rin ang 17-year-old Kapamilya actress sa ABS-CBN primetime series na You’re My Home.

Ginagampan ni Mika rito ang role na matalik na kaibigan ng karakter ni Paul Salas.

“Napakasimple ng role ko na may pagka-boyish lang na medyo rugged.

"Sobrang saya kasi ganun din ako. Medyo boyish kasi ako sa totoong buhay.

"Kaya nakakatuwa kasi malapit sa character ko in real life ang ginagampanan ko.

“Medyo relax lang din kasi wala masyadong requirements sa damit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NOT JUST FAME. Sampung taon na rin si Mika sa showbiz dahil nagsimula siya bilang child star.

Masaya ba siya sa takbo ng career niya?

Tugon niya, “Sa akin po, okey naman po.

"Hindi ko naman po habol ang sumikat, e.

"Ang gusto ko, mapansin ang acting ko.

"Kasi po, intense po akong mag-acting.

“Sa akin naman, hindi po siya yung... ayoko pong sumikat na talagang for fame lang.

"Gusto ko pong mapansin ang acting ko, mabigyan ako ng mas challenging roles po, yung maipapakita ko talaga kung ano ang kaya ko.

“Mas gusto ko pong makilala bilang aktres. Kasi po ang aktres, hindi nawawala basta magaling ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN