James Reid breaks silence on allegedly being seen romancing Julia Barretto in a resto-bar

by Erwin Santiago
Nov 27, 2015
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay nagsalita na si James Reid kaugnay ng alegasyong nakita diumano siya ng isang fan habang nakikipagromansahan sa kapwa Kapamilya star na si Julia Barretto.

Nagsalita na sa wakas si James Reid kaugnay ng alegasyon ng isang fan na nakita diumano siyang "nakikipagromansahan" sa kapwa niya Kapamilya star na si Julia Barretto sa isang resto-bar.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, na ipinost niya kaninang madaling-araw, November 27, ay pinabulaanan ni James ang naturang paratang.

Pahayag ng On The Wings of Love actor: "Give me a break. Does anyone really think I would have sex in a bar/public place... Stupid. If everyone wasn't so gullible I wouldn't even have to be explaining my private life right now 😡

"Cut the bullshit. Stop the hate."

Continue reading below ↓

Matatandaang isang Facebook user na nangnangalang Inah Evans ang nag-post ng diumano'y engkuwentro niya kay James sa The Bowery, sa may The Fort, Bonifacio Global City, noong madaling-araw ng November 23, Lunes.

Sinabi ni Inah na agad siyang nagtungo sa The Bowery nang malaman niyang naroon ang idolo niyang si James.

Pagdating sa resto-bar ay naglakas-loob daw ang fan na lapitan si James upang magpalitrato, ngunit tumanggi raw ang Viva star.

Sabi pa raw ni James sa kanya: "Not today. Maybe next time."

Dahil dito ay tinawag ng fan na "mayabang" at "presko" ang Kapamilya actor.

Maliban dito ay ikinuwento rin ni Inah na kasama raw ni James noong oras na iyon ang co-housemate niya sa PBB: Teen Clash 2010 na si Patrick Sugui at ang nali-link kay James na si Julia Barretto.

Sinabi rin ni Inah na may ibang ginagawa sina James at Julia noong oras na iyon.

"...he's so occupied kissing and flirting Julia Barretto that time... Kulang na lang kasi magsex sila sa harapan namin."

Continue reading below ↓

Read: James Reid allegedly seen romancing Julia Barretto in a restaurant; fan gets wildly bashed

Matagal nang nali-link sina James at Julia ngunit pareho nilang itinanggi sa mga nakaraang interviews na may namamagitan sa kanila.

Bukas naman si James sa pagsasabing wala silang real-life romance ng kanyang ka-love team na si Nadine Lustre.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay nagsalita na si James Reid kaugnay ng alegasyong nakita diumano siya ng isang fan habang nakikipagromansahan sa kapwa Kapamilya star na si Julia Barretto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results