Janella Salvador: Goodbye Marlo Mortel, hello Elmo Magalona?

Janella Salvador on getting a new leading man in the person of Elmo Magalona: "I’m happy din naman to be trying something new, something fresh, and even Marlo is happy for me naman. So, sana pati yung fans maging happy. Siyempre, hindi ko maiiwasan yung reaksiyon nila, pero this is a very fresh… I’m trying something new, and we’re all hoping na this is gonna work."


Excited na si Janella Salvador sa kanyang kauna-unahang proyekto sa ilalim ng produksyon ng Dreamcape Entertainment Television, ang ABS-CBN teleseryeng Born For You, na naka-schedule ipalabas sa susunod na taon.

Siyempre ikina-excite din ni Janella na ang makakatambal niya sa Born For You ay ang bagong Kapamilya na si Elmo Magalona.

Sinamahan nga ni Janella si Elmo sa media announcement na inorganisa ng ABS-CBN at Dreamscape nitong Huwebes, Nobyembre 26, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Saad ng young actress-singer tungkol sa bagong kapareha, “Actually, we just met recently lang.

“Hindi pa nila sinasabi kung sino ang makakasama ko.

“When I saw him, natuwa naman ako, as in I feel good that I get to work with someone fresh, and hindi ko pa siya nakaka-work before.

“Tapos sobrang kaka-meet lang namin.

“And I’m excited nga sa music angle because both of our parents are musical people.

“So, I’m excited to talk about everything, ganun.”

Anak si Elmo ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona; habang singers din ang parents ni Janella na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

Ano naman ang dating ni Elmo sa kanya?

Sabi ni Janella, “He’s like a very nice guy talaga, parang gentleman naman siya. We haven’t talked that much, e.”

Cute ba si Elmo para sa kanya?

“Of course, he is naman, yeah,” sagot niya.

BREAKING THE ICE. Dahil nga first time nilang magtatambal at magkakatrabaho ni Elmo, ano ang pinaplano nilang gawin para ika nga, “break the ice,” at mabuo ang chemistry nila?

Ayon kay Janella, “I guess naman mabilis kaming magiging close dahil sa music nga.”

So, possibly magkaroon sila ng collaboration sa music in the future?

“Pwede, I’ll be happy.”

Sigurado rin daw makatutulong ang gagawin nilang acting workshops para maging mas gamay sila sa isat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think we’re gonna have bonding din. I’m sure naman by January we’re close na.”

MARLO MORTEL. Bago kay Elmo, naunang nai-love team si Janella kay Marlo Mortel.

Nagkasama sila sa Kapamilya daytime teleseryes na Be Careful With My Heart at Oh My G!

Sila rin ang mga bida at magkatambal sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na Haunted Mansion.

Ano ang reaksyon ni Janella na sa bago niyang teleserye ay hindi muna sila ni Marlo ang magkasama?

Saad niya, “I think for a while lang naman ito.

“I’m happy din naman to be trying something new, something fresh, and even Marlo is happy for me naman.

“So, sana pati yung fans maging happy.

“Siyempre, hindi ko maiiwasan yung reaksiyon nila, pero this is a very fresh…

“I’m trying something new, and we’re all hoping na this is gonna work.

“I just met Elmo recently lang, and wala pa kaming expectations.


“We’re all hoping and praying lang.”

Nagkausap ba sila ni Marlo tungkol dito?

Sabi ni Janella, “Oo naman.

“Actually, it doesn’t mean naman na may bago akong project, may iba siyang ginagawa, ay hindi na kami nag-uusap at all.

“Siyempre we’re still gonna keep in touch.


“Like I said, happy naman kami for each other na may kanya-kanya kaming projects for ourselves.

“So, tulad ng theme ng soap namin ngayon, it’s like destiny, if ever we’re meant to meet in the future and to come back together as a love team, then why not, it’s destiny.”

Pero hindi ba siya tinanong ni Marlo kung bakit kaya sila paghihiwalayin muna?

“Wala naman siyang ganung question sa akin. Wala namang violent reactions!” sabay tawa ni Janella.

Hindi ba nagseselos si Marlo? Dati na kasing ipinahayag ng binata na gusto niya si Janella at handa siyang maghintay hanggang sa maging ready si Janella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa dalaga, “Hindi naman.

“Very solid yung closeness namin, so walang ganun.

“No matter what, we’re still gonna be the same.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN