Derrick Monasterio on wooing Bea Binene: "Itutuloy ko lang yung pagiging clown ko sa buhay niya."

Derrick Monasterio is excited to work with Bea Binene in a new Kapuso teleserye, and the hold-over fans of Bea and her former boyfriend Jake Vargas are the least of his worries: "Mas dumami na yung fans namin ni Bea kesa sa mga fans nila ni Jake. Yes! Mas marami nang magtatanggol sa amin.”


Sina Derrick Monasterio at Bea Binene ang magtatambal sa isang teleserye ng GMA sa 2016.

Handa na ba si Derrick na i-bash ng mga fans nina Bea at Jake Vargas?

Kahit na magkapareha sina Jake at Julie Ann San Jose sa Buena Familia ay matatag ang mga supporters ng JaBea

Kaya malamang na may mga hindi sasang-ayon na sina Derrick at Bea naman ang magkakapareha.

“Dati pa po akong bina-bash, e,” at tumawa si Derrick, “pero okey lang.

“Ngayon mas dumami na yung fans namin ni Bea kesa sa mga fans nila ni Jake. Yes!

“Mas marami nang magtatanggol sa amin.”

CLOSE TO BEA. Sila ang magkapareha sa Vampire Ang Daddy Ko kaya hindi na naman bago ang tambalan nina Derrick at Bea.

Umamin naman si Derrick na niligawan niya si Bea, “Dati. 'Ayan ang honest ko ngayon, ha?”

Binasted siya ni Bea?

“Hindi naman ako binasted… parang nawalan lang kami ng gana sa isa’t isa,” at tumawa si Derrick.

Kaya “nakasingit” si Jake?

“Parang ganun po.”

Ngayong break na sina Bea at Jake, may part two ba ang hindi natuloy na ugnayan nila ni Bea?

“Puwede po!”

Nanliligaw na ba siya ulit kay Bea ngayon?

“Hindi ko po nililigawan pero lagi po kaming magkasama.”

Gaano sila ka-close ni Bea ngayon?

“From one to ten? Ten po… kumbaga wala na kaming secrets sa isa’t isa.”

Mag-MU na ba sila?

“Ano po ang ibig sabihin nun?" tanong din ni Derrick.

May mutual understanding na ba sila ni Bea, na isang “kembot” na lang ay sila na?

“A, hindi pa, mga dalawang kembot, dalawang tumbling… malayu-layo pa," sakay naman ng binata sa tanong namin.

HURT. Nakausap namin si Derrick sa contract signing niya sa GMA Records nitong November 25 sa GMA Network Center.

Dito ay inamin nitong nasaktan siya na hindi siya ang last dance ni Bea sa nakaraang debut party ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-hurt po ako kasi si Kristoffer ang last dance.”

Si Kristoffer Martin daw talaga ang last dance ni Bea during the party. Pero dahil na-late si Alden Richards na dapat ay first dance ay naging last dance ito.

Lahad ni Derrick, “Si Alden siya po ang first dapat, humabol lang siya.

“So, originally, ang naka-plan si Kristoffer, na-hurt ako, seryoso po yun.”

Bakit hindi siya ang last dance kung very close sila ni Bea?

“Yun nga! Yun nga tanong ko sa kanya, ‘Bakit hindi ako? Tayo ang magkasama sa show, tayo ang laging magkikita.’’

“Sabi niya, ‘Uy, grabe! Ganyan? Huwag naman ganyan.’ Yung mga ganun-ganun.”

Walang diretsong sinabi na dahilan si Bea sa kanya kung bakit hindi siya ang last dance?

“Wala,” at tumawa si Derrick, “mas close daw sila, e. Na-hurt talaga ako, ine-expect ko po talaga, ako.

“Like sabi ko, ‘O, Bea, ire-ready ko na yung ano ko, last dance na ba ako?’

“’Tapos nalaman ko last minute, hindi ako.”

Galit ba siya kay Kristoffer?

“Ay, hindi! Close ko yun, nagtampo lang pero hindi po ako galit.”

HER DECISION. Paano kung bigla na lang niyang malaman na nanliligaw na si Kristoffer kay Bea?

“E, kung sino ang mas gusto ni Bea, okey na rin… kung sino ang gusto niya, I respect her decision.”

Ngayon ba na magkakasama sila sa isang bagong soap opera ng GMA ay seseryosohin na niya ang panliligaw kay Bea?

“Seryoso naman po talaga ako, e. Vocal ako sa feelings ko para sa kanya.”

Baka kulang pa ang effort ni Derrick. Si Kristoffer nga ang kinuhang last dance ni Bea dahil para sa kanya ay mas ka-close sila.

“Hindi, siguro ano na lang, kasi 'pag kasama ko si Bea, good time lang lagi, e.

"Itutuloy ko lang yung pagiging clown ko sa buhay niya. Yes!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang kailan?

“Hanggang ma-develop. Siyempre alam nating lahat na humor ang nakaka-attract sa girl, 'di ba?”€

Sa latest album nga niya ay alay ni Derrick para kay Bea ang cover niya ng kantang "Kailangan Kita."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN