Philippine bet Pia Wurtzbach ready to prove bashers wrong at Miss Universe 2015 pageant

Pia Wurzbach to bashers: "All the three years that I've tried, people are laughing at me and saying na trying hard daw ako. So my answer is, yeah, trying hard talaga ako. I tried very hard, I tried very hard because this is what I want and I don't care if it looks like I'm doing this for a showbiz comeback or trying to come off as desperate."


"Finally, I have my own send off."

Ito ang nasambit ng Binibining Pilipinas Universe 2015 na si Pia Wurtzbach matapos nitong maging emosyunal sa double send-off party kahapon, November 26, sa Novotel Manila Araneta Center kasama si Binibining Pilipinas Intercontinental 2015 Christi McGarry.

Patuloy pa ni Pia, "And I've been to so many send offs but I never had my own."

Halos magkasunod na gaganapin ang beauty pageant ng dalawa ngayong Disyembre. Gaganapin sa Dec. 18 ang Miss Intercontinental 2015 sa Magdeburg, Germany, habang sa Dec. 20 naman gaganapin ang Miss Universe 2015 sa Las Vegas, USA.

Hindi makapaniwala ang dating teen star-turned-beauty queen dahil tuloy na tuloy na nga ang kanyang pagsabak sa Miss Universe pageant.

Sabi pa ni Pia, "It feels like I won again because now it's finally sinking that I'm actually going to Miss Universe.

"It's like the first moment when I saw my picture on the Miss Universe website.

"I used to browse in the website and look at the girls, you know, pick my favorites.

"And now, I'm one of them as Philippines [representative] and I can't believe it."


PROVE THEM WRONG. Sa kanyang pagkapanalo sa Binibining Pilipinas nitong March 15, umani ng sari-saring opinyon at pambabatikos ang natanggap ni Pia.

Kaya naman, maigi nitong pinaghandaan ang nalalapit na Miss Universe pageant upang patunayan sa kanyang bashers na karapat-dapat siya sa titulo.


Aniya, "All the three years that I've tried, people are laughing at me and saying na trying hard daw ako.

"So my answer is yeah, trying hard talaga ako. I tried very hard, I tried very hard because this is what I want and I don't care if it looks like I'm doing this for a showbiz comeback or trying to come off as desperate.

"If that was the case, I could've just stop at first try but no, this is what I really want and I went through a lot of things to get through here like a lot of criticisms."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilista nito ang ilan sa mga masasakit na salitang ipinukol sa kanya ng kanyang bashers.

Sabi pa ni Pia, "First, that I only joined Binibining Pilipinas because I want to do a showbiz comeback.

"It's not true because I could've done that during my first try when I was first runner-up.

"Also, that I won Binibini this year because I'm an ABS-CBN talent.

"Also not ture, because again, if that was the case I should've won the first time."


Hindi naman na daw iniintindi pa ni Pia ang pambabatikos na ginagawa sa kanya ng kanyang mga detractors ngunit hindi nito mapipigilan na masaktan sa tuwing idinadamay na ang kanyang pamilya.

Paliwanag ng beauty queen, "I don't really get hurt when they say, 'Ano ba 'yan? Siya na naman!' Because if they had the opportunity, I'm sure they would do the same thing.

"I guess, what's hurtful for me is when they start getting a little bit too much and they start attacking my family.

"I think that's a little out of line, so that's where I draw the line. That's where I say, you can say everything you want about me, but huwag tayo may-personalan guys. Beauty pageant lang ito."

Kaya naman, ginamit niya ang mga bagay na ito bilang inspirasyon sa kanyang training para sa Miss Universe pageant. Ilang last minute preparations din ang ginagawa ni Pia bago ito tumungo sa Las Vegas.

Sabi ni Pia, "Alam niyo naman ako, I always... sa mga nakakakilala sa akin, talagang sineseryoso ko talaga 'to and I analyze everything and I do my homework.

"I do my assignments naman and meron din naman akong game plan.

"Hindi naman game plan na para bang may pina-plot ako, 'no. Hindi naman ganun.

"I'm just going to be myself because it's been working and I just want to force things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want things to flow naturally."

Mensahe naman ng 26-year-old beauty queen na gagawin nito ang kanyang makakaya upang maiuwing muli sa Pilipinas ang korona ng Miss Universe.

"I'll do my best, it's the least I can do. I'm just going to represent the Philippines and Filipinos a hundred percent when I can.

"This time I'm not there as Pia Wurtzbach anymore or Binibini no. 10 anymore, I'm there as Miss Philippines.

"I'm just so excited to wear a sash that says Philippines and hold a flag, the Philippine flag."

Sa ngayon, hindi pa isinisiwalat ni Pia kung sino ang gumawa ng kanyang national costume at evening gown sa kumpetisyon.

FAMILY SUPPORT. Samantala, hindi naman daw makakapunta at makakanood nang live ang mga magulang ni Pia dahil nasa Germany ang mga ito. Ngunit ang nakababatang kapatid niya at ilan pang malalapit na kaibigan ay sigurado nang makakapunta sa USA upang suportahan siya.

"Some of them, my sister is [watching] and her fiancé. Medyo nasanay na ako mag-isa, e. Sad to say, 'no?

"And I think it's also a good thing because it makes me stronger. And I have a lot of friends who are going."

Dagdag pa niya, "Ang dami kong kaibigan na nag-apply ng visa, bumili ng ticket, nag-book ng hotel sa same hotel [I will stay in] and I don't think na mapi-feel ko na mag-isa ako or maho-homesick ako dahil susundan nila ako dun, e.

"Yung mga ibang nandito actually na mga inimbita ko, nauna pa yata silang bumili ng ticket kesa sa akin, so I don't think that I will feel away from family at all because they will be there."

Nilinaw ni Pia na walang isyu sa kanyang mga magulang kung bakit hindi ito makakapunta sa grand coronation night ng Miss Universe.

Paglilinaw pa niya, "My younger sister has an 8-month-old baby and Vegas is not very baby-friendly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So somebody has to watch over the baby and nagkataon din naman na hindi pa nagha-honeymoon yung sister ko and yung partner niya.

"I think perfect na yung opportunity na 'to and my mom volunteered na rin. 'Di daw niya kinaya yung kaba niya sa Binibini, e. Lalo na pa raw sa Miss Universe. Baka dun pa siya, naku...

"She volunteered to take care of the baby so that my sister and Charlie [her sister's partner] can enjoy Vegas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN