Carla Abellana evasive when asked about Cai Cortez’s revelation about Tom Rodriguez

by Bernie V. Franco
Nov 27, 2015
Carla Abellana concedes that Cai Cortez's comment about Tom Rodriguez being "well-endowed" would flatter any man: "Siyempre matutuwa kapag ganun, kasi machismo mo ‘yan. It’s their ego that’s being fed. I’m sure any guy would be flattered."

Iwas si Carla Abellana nang matanong sa isyung kinasangkutan ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Tom Rodriguez.

Ito ay tungkol sa pag-amin ng aktres na si Cai Cortez—anak ng batikang aktor na si Rez Cortez—na minsang may “nangyari” sa kanila noon ng aktor.

Read: Cai Cortez reveals sexual encounter with Tom Rodriguez, other male celebrities

Sa press conference ng upcoming GMA-7 primetime series na Because of You nitong Martes, November 24, ay tinanong ng ilang reporters si Carla kung sa tingin ba niya ay compliment para kay Tom na ibunyag ni Cai na “well-endowed” ang aktor?

“I wouldn’t know. Siguro a guy would...” tipid na sagot ng Kapuso actress.

Hindi ba nila napag-usapan iyon ni Tom?

“No, no. Any guy naman, siyempre matutuwa kapag ganun, kasi machismo mo ‘yan.

"It’s their ego that’s being fed, I’m sure any guy would be flattered.”

Pero sundot ni Carla, “Iba naman din siyempre sa babae.”

Continue reading below ↓

Tinanong rin si Carla kung na-offend ba siya sa ginawang rebelasyon ni Cai.

"Di ko nga alam ang revelation ni Cai, e, kanila na yun."

May nagkomento rin kay Carla na nangyari raw iyon noong hindi pa sila ni Tom.

“A, okay, go! I love Cai, friend ko siya," pero iwas pa rin ng aktres, "Di ko alam, sa kanila na ‘yan.”

Read Next
Read More Stories About
Cai Cortez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana concedes that Cai Cortez's comment about Tom Rodriguez being "well-endowed" would flatter any man: "Siyempre matutuwa kapag ganun, kasi machismo mo ‘yan. It’s their ego that’s being fed. I’m sure any guy would be flattered."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results