Lotlot de Leon happy to hear about Elmo Magalona's network transfer: “There’s always room to grow.”

Lotlot de Leon admits she was surprised to hear about Elmo Magalona's transfer to ABS-CBN, but feels that it's for his own good: “Napakalaki ng potensyal ng bata, so if he really thinks this is going to be a way for him to further his career, why not, 'di ba?”


Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Lotlot de Leon sa bahay nito sa Parañaque City kagabi, November 27.

Anak ni Lotlot ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez, at kasintahan ni Janine si Elmo Magalona na tulad ng alam ng marami ay umalis na sa poder ng GMA-7 at lumipat na sa bakuran ng ABS-CBN.

Pagkagulat ang unang naging reaksyon ni Lotlot noong nalaman niya na lumipat na si Elmo.

“Nagulat ako! 'Ayun.”

Hindi raw niya alam ang desisyon na iyon ng paglipat ni Elmo bago pa man ang announcement.

“I didn’t know. Hindi ko alam.”

Napanood na lang niya ito sa balita.

Hindi rin ba nabanggit sa kanya ni Janine ang tungkol dito?

“Wala naman, wala naman kaming napag-usapan kasi the last time parang kinukulit ko nga si Mo [Elmo] to parang sign again with GMA para… kasi may mga iniintay na trabaho.”

Ano ang sagot ni Elmo?

“'Oo nga, Tita, e!' Ganun.”

Kaya ikinagulat nga niya na lumipat na si Elmo sa Dos.

HAPPY FOR ELMO’S TRANSFER. Ano ang naramdaman niya sa pangyayari?

Saad niya, “Actually, I’m happy for him kasi kung… kasi si Elmo naman magaling na artista.

“Napakalaki ng potensyal ng bata, so if he really thinks this is going to be a way for him to further his career, why not, 'di ba?”

Ito na rin marahil ang hudyat na tapos na o hiwalay na ang JaniElmo tandem nina Janine at Elmo.

“Okey lang. Kasi mga bata pa naman sila, e.

“They’ll have other partners. Janine will have others partners.

“Si Elmo also, I think he has a partner now, with him from ABS, yung nasa news.

“So why not? They should explore. They’re still young, bata pa rin naman… like Janine is new in the industry. Si Elmo, medyo matagal-tagal na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Why not? There’s always room to grow,” dagdag pa niya.

NOT WORRIED ABOUT CHANGES IN JANIELMO. Naniniwala si Lotlot na ang dalawang artista, kahit magkarelasyon ay puwede pa ring pumareha sa iba o magkaroon ng ibang ka-love team.

Paliwanag niya, “Oo. Kasi ano naman yan e, lalo na ang maganda sa kanila pareho silang artista, so I would like to think na pareho nilang naiintindihan yung proseso ng pagtatrabaho sa industriya.

“At saka trabaho naman 'yan, e.”

Si Lotlot din noong kabataan ay nagkaroon ng iba-ibang onscreen partners, pero ang tunay niyang karelasyon ay si Ramon Christopher na ama ni Janine.

Sa tingin ba ni Lotlot ay maaapektuhan ang relasyon nina Janine at Elmo ngayong ipapareha na sa ibang artistang babae si Elmo sa ABS-CBN?

“In all honesty, diyan natin malalaman!

“Kasi mga bata… like I said, mga bata pa sila.

“Marami pa silang pagdadaanan and kung if they’re really meant for each other, kahit na they don’t work in the same network o kung sino pa ang iba nilang makapareha, kung sila, sila pa rin,” pahayag pa niya.

Kung kaharap niya si Elmo nang mga sandaling iyon, ano ang sasabihin niya dito?

Sabi niya, “Congratulations, dear!

“Kasi maraming mga tao o mga artista na naghahangad na mabigyan ng ganyang mga klaseng break o kontrata sa isang malaking network.

“So for Elmo to be given that trust by ABS-CBN, really good for him.

“Congratulations!”

Walang anumang sama ng loob si Lotlot kay Elmo sa paglipat nito.

“Wala, wala.”

WHAT IF JANINE IS OFFERED A NETWORK TRANSFER? Kung halimbawa, bilang ina ni Janine at katuwang ng GMA sa pangangalaga ng showbiz career ni Janine ay magkakaroon ng isang malaking offer kay Janine ang ibang TV network, ano ang magiging desisyon ni Lotlot?

“Hindi ko puwedeng talikuran.

“I don’t think kami yung klase na tatalikod sa isang istasyon na nagbigay ng break at hanggang ngayon ay patuloy naman na maganda ang pinapakita kay Janine,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sina Lotlot at Janine, sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang pelikula, ang horror/comedy na Buy Now, Die Later na official entry sa Metro Manila Film Festival 2015 ngayong December 25.

Bukod kina Lotlot at Janine ay nasa Buy Now, Die Later sina Alex Gonzaga, Rayver Cruz, John “Sweet” Lapus, TJ Trinidad, at Vhong Navarro.

Ito ay sa direksyon ni Randolph Longjas at produced ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Film Productions at Buchi Boy Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN