Karla Estrada to KathNiel bashers: "Stop the hate na."

Karla Estrada (left) tells KathNiel fans to be patient: "Tingnan niyo kung gaano ka-simple ng Kathniel [Kathryn Bernardo and Daniel Padilla]... Dapat ganyan lang tayo. Simpleng tahimik. Just be patient lang."


Binasag ni "Queen Mother" Karla Estrada ang katahimikan tungkol sa pambabatikos na nararanasan ng anak na si Daniel Padilla at ka-love team nitong si Kathryn Bernardo dahil inendorso nila ang Liberal Party presidential bet na si Mar Roxas.

Kinuwestiyon ng ilan ang kaalaman nina Kathryn at Daniel sa pag-endorso gayung baguhan pa lang daw silang botante.

Marami pa ang nagsabing pera-pera lang ang nagtulak sa Kapamilya stars na mag-desisyon nang ganito.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla reportedly paid millions for endorsing Mar Roxas


Sa kanyang sunud-sunod na Instagram posts (@carlaford1121) noong November 28, pahapyaw na naghayag ng saloobin si Karla sa isyu.

Ang unang picture na pinost ni Karla ay kuha sa eksena ng Kapamilya primetime series na Pangako Sa 'Yo na pinagbibidahan nina Kathryn at Daniel. Makikita sa picture na umiiyak ang dalawa.

A photo posted by carla ford (@carlaford1121) onNov 27, 2015 at 10:52am PST

Mapapansin sa caption na tila apektado ang KathNiel sa kinakaharap na kontrobersya.

Kaya sinabihan ni Karla ang bashers ng young stars na “Tao rin Ang mga KN's at nasasaktan din sila lalo na pag napaparatangan sila.

“Wala silang ibang hangad kundi Ang kabutihan at tagumpay ng KATHNIEL..

“Kaya naiindindihan ko Kung may bumubulusok NA damdamin para maipagtanggol lamang Ang kanilang mga sarili at Ang KATHNIEL.

“PERO MGA ANAK,KAPATID,at mga TITA.. KATULAD NG SINABI KO.. MAS NAGTATAGUMPAY ANG MGA NAGPAPAKUMBABA!

“So stop the HATE NA!Ÿ˜Â MAS MARAMI TAYONG DAPAT NA PAG TUUNAN NG POSITIVE ENERGY DAHIL SA MGA PROJECTS NA NAKALINE UP!

“YUN ANG PAG HANDAAN NATIN!:))) lLOVE KATHNIEL AND CONGRATULATIONS!!!! Ÿ’‹Ÿ’‹Ÿ’‹Ÿ’‹ÂÂÂÂÂÂ”

Masayang larawan ang inilagay ni Karla sa sumunod niyang post. Simple lang ang caption nito: “#HAPPYKNWARRIORS.”

A photo posted by carla ford (@carlaford1121) onNov 27, 2015 at 10:55am PST

Makikita sa comments section ng nasabing post ang suporta ng KathNiel fans sa mga mga idolo at sa pahayag ni Karla.

Nangako ang fans na susunod sa utos ng kanilang “reyna” na respetuhin ang KathNiel.

Nagpatuloy pang nag-post si Karla ng ilang pictures na tila nagpaparinig sa mga taong walang sawang hinihila pababa ang KathNiel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A photo posted by carla ford (@carlaford1121) onNov 27, 2015 at 11:13am PST

Sabi ni Karla sa caption ng kanyang post: "Tingnan nyo Kung gaano kasimple NG Kathniel.. Dapat ganyan Lang Tayo simpleng tahimik. just be patient Lang. Ÿ˜ÂŸ˜Å½"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN