Authorities look into three possible angles in murder of Pastillas Girl's mother

Tatlong anggulo ang tinitingnan ngayon ng pulisya tungkol sa pamamaslang kay Teresa Yap, ang ina ni Angelica Jane Yap o mas kilala sa tawag na “Pastilals Girl” ng It’s Showtime. Ito raw ay maaaring tungkol sa mga dating naging karelasyon ni Yap, sa negosyo, o may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang barangay kagawad.


Tatlong anggulo ang tinututukan ng pulisya ngayon sa brutal na pagpaslang kay Teresa Hernandez Yap, ang ina ni Angelica Jane Yap o mas kilala sa tawag na “Pastillas Girl” ng It’s Showtime.

Ito ay maaaring tungkol sa usapin ng pag-ibig, negosyo, o may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang barangay kagawad sa Caloocan City.

Ayon sa pahayag ni Senior Superintendent Bart Bustamante sa Quick Response Team ng GMA News TV, na nailathala rin sa GMA News Online, "Anggulo po na puwedeng ang threat ay galing sa kanyang hanapbuhay bilang kagawad... May business angle at personal na motibo."

Maaring ang pagiging mahigpit ni Teresa sa paglaban ng ilegal na droga sa kanilang barangay ang isa raw sa mga dahilan kung bakit siya itinumba ng kanyang mga nasagasaan.

May inorganisa nang special task force upang mag-imbestiga sa kaso ng ina ni Pastillas Girl, ayon pa sa pulisya.

Matatandaang nitong Linggo ng gabi, November 29, habang naghihintay ng kanilang order na pagkain sa isang carenderia, bigla na lamang binaril sa likurang bahagi ng kanyang ulo si Teresa ng isang gunman.

Kasama ni Teresa noon ang kanyang isang anak na babae at pamangkin galing sa simabahan.

Nakunan ng CCTV (closed-circuit television) ang naturang pamamaril kung saan dali-daling tumakas ang nag-iisang gunman sakay ng isang motorsiklo.

Read: Pastillas Girl’s mother shot dead in Caloocan City

Ayon naman kay Angelica, wala pa silang maaaring maiturong motibo sa pamamaslang sa kanyang ina.

"Sa ngayon po kasi, kami rin, hindi rin po kasi namin alam kung ano po ang mga possible na dahilan kung bakit nangyari po iyon sa mommy ko."

Aminado naman si Angelica na may mga natatanggap ng death threats ang ina bago pa man ito patayin, pero hindi raw nito sineryoso ang naturang mga banta.

PROBE OF TWO EX-BOYFRIENDS. Sa ulat naman ng Inquirer.net kahapon, November 30, isang malapit na kamag-anak ni Teresa ang naghikayat sa pulisya na imbestigahan ang dalawang dating nobyo nito at ang isang kasalukuyang karelasyon ng isa sa mga ito dahil baka may kinalaman ang isa sa kanila sa pamamaslang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala raw itong ang pagpatay sa kanyang kamag-anak ay may kinalaman sa dati nitong relasyon.

Ayon pa sa ulat, dapat imbestigahan sina “Alfamil Yap” at ang partner nito at isang nagngangalang “Polo” dahil nagpadala raw ito noon ng death threats kay Teresa.

Hindi na raw naging maayos ang relasyon ni Teresa sa mga dating karelasyon pagkatapos ng kanilang relasyon.

May isa pa raw pananakot sa text na natanggap si Teresa na nagsasaad na hindi na siya aabutin ng Pasko, pero isinawalang-kibo na lang daw ito ng kagawad.

Hinihimok na ngayon ni Angelica ang mga nakasaksi sa pangyayari na makipagtulungan sa pulisya para sa agarang pagkalutas ng kaso at pagkahuli ng salarin.

Nakatakda naman silang lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa mas malalim pang imbestigasyon.

May mga ulat namang dalawang linggo bago ang pamamaslang, may isang lalaking may hawak ng baril ang nagmasid sa tahanan nina Teresa.

Nagpakilala pa taw itong pulis nang matanong ng mga taong naroon.

“MAHAL KITA…” Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay kay Angelica sa kanyang Instagram account.

Karamihan sa mga ito ay kanyang bashers dati, pero nakikisimpatiya ang mga ito kay Pastillas Girl dahil sa malagim na pagpanaw ng kanyang ina.

Kagabi rin ay nag-post si Angelica ng larawan ng ina sa kanyang Instagram.

Caption niya: “Mahal na mahal na mahal kita.”

Mahal na mahal na mahal kita.

A photo posted by Angelica Jane YapŸ’‹ (@angelicajaneyap) onNov 30, 2015 at 9:37am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN