Sunshine Cruz on honing her craft: "I really have to do my best because bread and butter ko ‘to."

Sunshine Cruz counts her blessings: "Actually, ngayon ko nga na-feel na extra special talaga ako sa Diyos. Kasi alam naman Niyang of course I provide for my three kids. Ang hirap, ha. Mahirap din. Nakakakaba minsan."


Masasabi ni Sunshine Cruz na hindi siya pinababayaan ng Diyos sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

“Hindi, hindi talaga,” pakli ng single mom nang exclusive siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week sa isang dressing sa ABS CBN.

Dugtong niya, “Actually, ngayon ko nga na-feel na extra special talaga ako sa Diyos.

"Kasi alam naman Niyang, of course, I provide for my three kids.

"Ang hirap, ha. Mahirap din. Nakakakaba minsan.

“Pero talagang sa awa ng Diyos, di naman tayo nawawalan ng trabaho at kinakaya naman.

"Ang panlaban ko kasi sa problema, yung three kids ko, e."


GRATEFUL TO ABS-CBN. Nagpapasalamat din si Sunshine sa ABS-CBN dahil hindi siya pinababayaan.

“Hindi naman tayo nawawalan ng projects dito sa ABS-CBN sa awa ng Diyos.

"Kung halimbawa naman na may pahinga ako, like after Oh My G, medyo napahinga ako nang kaunti.

“Pero nandoon naman ang guestings, like sa MMK and Ipaglaban Mo. Tapos dito nga sa It’s Showtime bilang hurado.

“Kaya talagang grateful ako sa pag-aalaga sa akin ng ABS-CBN at sa mga project na ibinibigay nila sa akin.”


ACTING NOMINATION. Ayon pa sa aktres, malaking karangalan sa kanyang mapansin ulit ng PMPC (Philippine Movie Press Club) sa Star Awards for TV.

Nominado siya muli sa kategoryang Best Single Performance by an Actress para sa pagganap niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Ani Sunshine, “It's really an honor na napansin na naman tayo doon sa ginawa nating MMK last year.

"I won for Single Performance by an Actress last year. Tapos ngayon nominated ulit.

"So, nakakatuwa naman na napapansin kahit papaano ang ating pinaghihirapan.

“Ang titindi nga ng kalaban ko—Judy Ann [Santos], Ms. Nora Aunor, Angel Locsin, Kaye Abad... basta iba-iba at mga bigatin talaga.

“Ako, being nominated, napakalaking achievement at flattered na ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ganoon din ako last year. Ang bibigat din ng mga kalaban ko and I wasn't expecting na mananalo ako.

"Pero salamat sa Diyos at napansin."

Dagdag niya, “Nakakatuwa lang talaga na I was given this second chance again.

"And this time, hindi lang yung pagpapa-sexy na Sunshine yung makikita ng mga tao, kundi pati yung, ‘Ay, nakakasayaw pala, nakaka-acting pala…’

“So, ako naman, ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko, of course, para gampanan nang maayos ang role.

"And at the same time, I really have to do my best because bread and butter ko ‘to.

“Ang kinikita ko rito ay para sa mga anak ko.

"So, lahat ng ipagkakabuti at pagiging professional sa trabaho, ginagawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN