Mariel Rodriguez opens up about second miscarriage: "I was gonna lose it already. I was about to go dark, I was bitter."

Mariel Rodriguez on turning to God: "Sa panahong ganun, mas maa-appreciate mo si God. So, ngayon, even after that, naano ako sa sarili ko na hindi lang during bad times ko dapat pinupuntahan si God. Kung may nangyayari sa life ko, palagi na kong nagpapasalamat kay God at hindi ako ma-God. So, mas naa-appreciate ko talaga. Malaki yung naging impact niya sa akin.”


Nakaka-depress mawalan ng sanggol sa sinapupunan, hindi lang isang beses kundi dalawang beses.

Ito ang naramdaman ni Mariel Rodriguez, asawa ng action star na si Robin Padilla, nang makunan siyang muli noong Agosto.

Kuwento ni Mariel sa panayam niya kay Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda noong November 30, “I’ve been through different levels of pain. I’ve dealt with it differently each time.

“The first time it happened, I’m talking about the miscarriage.

"First time was March. That one, it was really... I’ve thought, it was the most painful thing ever that happened to me.

“Kasi, finally when I was ready, when I decided to have a baby, then it happened.

"Yun pala, hindi pa pala.

"Yun ang pinakamasakit.

“That you are excited, that you’re ready, and then it’s not for you.”

Naintindihan ba ni Mariel na hindi pa para sa kanya ang baby?

Sagot niya, “Kinailangan nilang sabihin yun sa akin, that God has something more for you.

"Naiisip ko, parang, 'Bakit ganun?'

"Never siyang nag-make sense sa akin. Hindi ko naiintindihan.

“And then, naging okey."

Emosyunal na pahayag ni Mariel, “I’m so blessed kasi si Robin was really supportive. Yun talaga.

“Siguro sabihin na natin na hindi ako sinuwerteng magkaroon ng anak ngayon, pero sobra akong suwerte sa asawa.”


SECOND MISCARRIAGE. Mas mahirap daw para kay Mariel ang ikalawang miscarriage niya.

“This one is even more because I had multiple pregnancies.

"Ibig sabihin, it can be twins versus triplets.

"Sabi ko, wow, siguro kasi nagkaroon ako ng miscarriage dati, pinalitan ni God, ito na yun.

“Or kung mawawala man ang isa, meron pa kong isang matitira and I have one with a heartbeat.

"I was really hoping. And then, I lost the heartbeat.

“So, yun. Yun talaga, nag-breakdown na ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was gonna lose it already. I was about to go dark.

"I was bitter. I was not in a good place.

“And then, Robin took me out of the country.

"He reassured me that the world will be okay, even if it’s just the two of us.

“So, he was able to make something bad na positive.

"Parang na-feel ko pa rin na blessed pa rin ako. Masaya pa rin ako.

"Masaya na ako ulit."


MARIEL’S PRAYER. Tinanong din ni Boy si Mariel kung ano ang panalangin niya ngayon.

Sagot niya, “I don’t even ask for it anymore. I’m not expecting. I’m way past it.”

Tumigil na ba siyang magtanong?

“Oh, yeah, lahat.

"And it was really that, 'Is there something wrong with me?'

"Because it was really hard for a woman na there’s something wrong with you.

“You don’t know what’s wrong with you.”

Sabi pa ni Mariel, “Natutuwa rin ako. Ang daming nag-reach out sa akin. Nagparamdam na...

"Well, I never thought na sila rin went through what I went through.

“Na sila rin, 'Ako rin, ganyan din ako.' Nagkakaroon ka ng konting pag-asa.

"So ngayon, talagang you lift everything up to God. Bahala na si God.

“Yung sinasabi nila na what doesn’t kill you only makes you stronger, it’s true.

“Kasi before, kapag sinasabi sa akin na ‘Kumusta na yung marriage niyo ni Robin?’ palagi lang kaming, ‘We’re good, we’re good.’

"Kasi wala kaming pinagdaanan na kaming mag-asawa.

"Ito, meron kami nito."

Gaano katindi ang pinagdaanang depression ni Mariel?

Saad niya, “It was bad that sometimes I would cry.

"Ngayon, okey ako. Tapos biglang maaalala ko, hindi pa ako buntis.

"Pag ganun, lahat buntis... Dati naman, wala naman akong pakialam sa lahat ng buntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, may time na ako ganun, ‘Lahat sila buntis! Bakit sila ganun?’

"Tapos may mga batang makikita mo na ang saya-saya nila... ganun ako."


SUPPORTIVE HUSBAND. Sinasabihan daw siya ni Robin na lumabas kasama ang mga kaibigan.

Lahad ni Mariel, “He let me go out with my friends. ‘Pumunta ka ng Singapore. Kailangan mo ‘yan para positive vibes kayo.’

"He did. Sobra niyang bait.

"And I think it was really the time that we went away.

“I took everyone out, I cut everyone out.

"It was just me and him and mas okey.

"And, of course, dun talaga, hindi naman ako nagsasabi na sobra akong religious na tao, pero totoo pala talaga yun.

“Sa panahong ganun, mas maa-appreciate mo si God.

"So ngayon, even after that, naano ako sa sarili ko na hindi lang during bad times ko dapat pinupuntahan si God.

“Kung may nangyayari sa life ko, palagi na akong nagpapasalamat kay God at hindi ako ma-God.

"So, mas naa-appreciate ko talaga. Malaki yung naging impact niya sa akin."


D & C. Kahit matagal na siyang nakunan, dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang sumailalim si Mariel sa D&C (dilation and curettage) procedure.

Ayon kay Mariel, sarili niyang desisyon yun.

“I really wanted it to go natural, I really wanted it.

"First time, I was holding on to it.

"I have pictures when we went abroad na tinitingnan ko, 'Sana tunay na baby bump siya.

“'Sana nagkamali si Doktora ng diagnosis sa akin. Sana magkaroon ng miracle,’ sabi ko nun.

"God has the last say, so I will let go of it naturally.

"Malay mo, there’s Mother Mary in me and He’ll give it life.

“Pero ano na talaga... nagagalit na ang O.B. [obstetrician] ko sa akin.

"Ako raw ang pinakamatagal na patient niya na may blighted ovum na nasa akin pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ko, ‘Sige,’ finally.

"But it’s like my baby doesn’t want to leave me.

"When I did it the first time, the first time this year, mabilis.

"The second day, nag-bleed na ako kaagad.

“Ngayon, ang tagal-tagal ko.

"Tuesday ako nandun, Saturday na ako nakaalis.

"Talagang ayaw, I didn’t bleed. Ayaw mag-open ng cervix."

Kung may maganda raw na naidulot kay Mariel ang lahat ng nangyari, ito ay ang pagiging matatag niya at mas malapit sa Diyos.

“I’m just so happy and I think it’s something that I’m really grateful for.

"Kasi nakahanap pa rin ako ng rason para maging masaya.

“Marami pa ring reasons. I’m still so blessed.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN