Luis Manzano on Angel Locsin playing Darna again: “Maybe there’s a good chance if...”

Luis Manzano confirms that girlfriend Angel Locsin is considering to go through an operation for her disc bulge and it might happen anytime soon.


Kinumpirma ni Luis Manzano na posibleng sumailalim na sa operasyon ang kanyang girlfriend na si Angel Locsin dahil sa natamong disc bulge ng aktres sa spine.

Pahayag ni Luis, “I think there’s one operation that she’s considering very soon.

“I’d rather not divulge the details.

"Kumbaga, she studied a lot of options and she has one or two in mind, which should happen very soon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV Patrol si Luis sa special sale event ng iniendorso niyang clothing brand, ang Dockers, na ginanap sa Glorietta nitong Sabado, November 29.

SUPPORT FOR ANGEL. Bago magtapos ang Oktubre ng kasalukuyang taon, lumabas ang balitang hindi na si Angel ang gaganap bilang Darna sa movie remake nito, dahil sa natamo niyang injury sa paghahanda sana para rito.

Ginampanan ni Angel ang papel na Darna sa GMA-7 fantasy series noong 2005.

Sinabi rin ni Angel na may napili na ang Star Cinema na magsusuot ng red costume ng super heroine.

Read: Angel Locsin confirms ABS-CBN has already chosen a new Darna

Gayunpaman, patuloy ang pagbuhos ng suporta kay Angel, lalo na mula sa kanyang fans.

Sinabi ng mga ito na handa silang maghintay hanggang sa tuluyang gumaling ang aktres upang siya pa rin ang gumanap na Darna.

Kaya naman abut-abot ang pasasalamat ni Luis sa patuloy na pagsuporta ng fans ni Angel.

Saad ng Kapamilya TV host-actor, “On her behalf, thank you.

“She’s very thankful even on social media, kahit walang kinalaman yung post kay Darna or kay Angel, I would see a hashtag saying, ‘We will wait for Angel as Darna.’

“May mga accounts ‘Only Angel for Darna.’

“That’s not to downplay any of the artists that we have today, but it goes to show that she did a great job bilang Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So thank you, on behalf of Angel, sa lahat ng naghihintay sa kanya at mga nagpupursigi na maging Darna pa rin siya.”

May posibilidad bang magbago pa ang desisyon ni Angel na muling pumayag na maging Darna?

Ayon kay Luis, “I think it wasn’t with her naman kasi.

“It was a collective decision. It wasn’t solely on her, but I’m sure the management wanted to protect her health.

“Pero kung para sa kanya, I think we just have to wait and see kung ano ang mangyayari sa operation.

“Hopefully if management hasn’t started [shooting], then maybe… maybe there’s a good chance.”

Sinabi rin ni Luis na sobrang touched si Angel sa mainit na panawagan para maging Darna pa siya.

“Very touched. Sabi nga niya, she didn’t expect that she would have that much support.

“She expected it from a lot of her fans, of course, they’re with her throughout all her career.

“But yung from other people, not naman talaga followers, if you ask them, 'Oo, si Angel talaga ang gusto naming mag-Darna.'

“So, thank you mula nga kay Kite [palayaw ni Luis kay Angel].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN