Arci Muñoz on boyfriend Mr. Bones: "He’s not that type of guy na puwede mo lang iwan, pangseryosohan siya."

by Rizza Benedicto
Dec 2, 2015
Arci Muñoz: "You wouldn’t go in a relationship or enter a relationship if you can’t see yourself settling down with that person, di ba? Kasi masasayang lahat, e. Parang you’re just playing around, kawawa naman."

Tatlong taon na ang relasyon ng actress-singer na si Arci Muñoz sa boyfriend niyang si Bones Frankenstein, lead vocalist ng bandang Mr. Bones and the Boneyard Circus.

Ready na ba sila to take their relationship to the next level?

Sagot ni Arci, “No, not yet.

"We’re both happy with our different career paths that we’ve chosen.

"So, gusto pa naming maging successful pa dun.

"Kumbaga, hindi ko pa nari-reach yung goal."

Si Bones na ba ang nakikita ni Arci na makakasama niya in the future?

Mabilis niyang sagot, “Of course!

"You wouldn’t go in a relationship or enter a relationship if you can’t see yourself settling down with that person, di ba?

“Kasi masasayang lahat, e.

"Parang you’re just playing around, kawawa naman.

"And I am not that type naman, and he’s not that type of guy na puwede mo lang iwan. Pangseryosohan siya."

STAGE BOYFRIEND. Inilarawan ni Arci ang kanyang boyfriend bilang "stage boyfriend."

Continue reading below ↓

“Okay naman siya, very supportive.

"Wala naman siya alam, hindi naman niya naiintindihan kasi Tagalog.

“Pag English, naiintindihan niya.

"Itong interview na 'to, hindi niya maiintindihan.

"Pero very supportive, very supportive—stage boyfriend."

Napapanood ba ng kanyang boyfriend ang sexy scenes niya sa Pasion de Amor?

Ayon kay Arci, “Pag binubuksan ko yung TV, umaalis.

"Umaalis kasi hindi naman niya naiintindihan, Tagalog.”

Ipinapaalam ba niya ang mga eksenang gagawin niya?

“Sinasabi ko naman sa kanya, ‘Love, I am doing this.’

"Para hindi rin lang siya magulat pagbukas ng TV, makita, at least, di ba, nasabi ko."

Inamin ni Arci na sobrang seloso ng kanyang boyfriend kaya para hindi sila mag-away ay talagang iniiwasan na lang nitong makita ang mga ganung eksena ni Arci sa TV.

“Sobra! Kaya iniiwasan na lang niya.

"Huwag na lang, huwag na lang.

"Kesa makikita pa niya, tapos magseselos, tapos magagalit, tapos mag-aaway, di ba?

"So, I’d rather not. I’d rather not let him see it, di ba, para walang away."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz: "You wouldn’t go in a relationship or enter a relationship if you can’t see yourself settling down with that person, di ba? Kasi masasayang lahat, e. Parang you’re just playing around, kawawa naman."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results