AlDub, JoWaPao, Enrique Gil, Rocco Nacino, Julie Anne San Jose, Sam Concepcion lead Walk of Fame 2015 inductees

Punung-puno ng mga tao ang Eastwood City ngayong Martes, December 1, dahil sa pagluluklok sa 30 bagong inductees ng Walk of Fame; kabilang na sina (mula kaliwa) Maine Mendoza, Enrique Gil, Rocco Nacino, at Sam Concepcion. Pinagkaguluhan at pinalakpakan nang husto ang mga bida ng “Kalyeserye” ng Eat Bulaga! na sina Wally Bayola, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Maine. Hindi naman nakadalo si Alden Richards dahil may sakit ito.


Star-studded ang ginanap na Walk of Fame Year 10 na ginanap ngayong Martes ng hapon, December 1, sa Eastwood Citywalk, Libis, Quezon City.

Halos lahat ng awardees ay dumalo maliban lamang kina Alden Richards, Camille Prats, at Mark Bautista.

Hindi nakadalo si Alden dahil masama ang pakiramdam nito.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Alice Dixson, Rocco Nacino, Enrique Gil, Eula Valdes, Julie Anne San Jose, Sunshine Dizon, Jake Vargas, Sam Concepcion, Dindi Gallardo, Randy Santiago, Buboy Villar, Kara David, Gerphil Flores, The Company, at si Harlene Bautista na siyang nagrepresenta sa kanyang ama na si Butch Bautista.

Bandang 5:30 P.M. ay sinimulan na ang programa.

Isa-isa munang ipinakilala sa mga manonood ang mga bibigyan ng bagong star sa Walk of Fame.

Pinalakpakan nang husto ng mga tao nang sumampa na sa stage ang mga bida ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! na sina JoWaPao (Jose, Wally, Paolo) at si Maine a.k.a. Yaya Dub.


Maituturing na isang panibagong milestone ito sa career ni Maine dahil nakuha niya ang kanyang star sa Walk of Fame sa loob ng halos limang buwan pa lamang sa showbiz.

Namataan din ng PEP si Gabby Concepcion na matagal nang inductee ngunit ngayon pa lang nagkaroon ng pagkakataong mabisita ang kanyang star sa Walk of Fame.

Nagpakuha pa nga ng litrato ang dating matinee idol kay Maine at sa JoWaPao.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga nabigyan ng kanilang bituin sa Walk of Fame ngayong taon:

Maine Mendoza: “Ang happy ko and sobrang thankful. Dati nadaan-daanan ko lang ‘to.”

Julie Anne San Jose: “Sobrang nakaka-flatter po and it’s really an honor to be part of it kasi isa po ako sa napili na mabigyan po ng badge dito sa Eastwood.”

Rocco Nacino: "It’s a great feeling at ito yung fruits of my labor at natutuwa ako na nire-recognize nila at binigyan nila ako ng star."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wally Bayola: "Maraming salamat at napakaganda ng karangalan na ito. Answered prayer.”

Enrique Gil: “Siyempre solid, it’s an honor to be part in the Walk of Fame and maraming salamat kay Kuya Germs.”

Sam Concepcion: “Great. We’re now immortalized dito sa mga stars namin sa Eastwood. Thank you, Kuya Germs.”

Jake Vargas: “Sobrang saya. Unexpected kasi bihira makatanggap ang ibang artista ng mga ganito. So, salamat sa lahat lahat ng suporta.”

Kara David: “Naninibago ako. Nakakataba ng puso na kahit papano pala nare-recognize yung trabaho namin bilang journalists ng ibang industriya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN