Korina Sanchez sad over disqualification of Sen. Grace Poe from presidential race

Korina Sanchez on Senator Grace Poe's disqualification to run for president: “Of course, malungkot for someone na magka-ganyan. But appealable ‘yan. I think it’s a process in the Supreme Court and it’s understandable if they’ll fight it out and it’s their right to do so, and we expect that to happen."


Hangga't maaari ay ayaw magbigay ng reaksiyon ni Korina Sanchez kaugnay ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na idiskwalipika si Senator Grace Poe sa presidential race sa 2016.

Si Senator Grace ang isa sa pinakamahigpit na katunggali ng mister ni Korina na si dating DILG Secretary Mar Roxas sa pagka-pangulo sa susunod na eleksyon.

Pahayag ng Rated K host, “Well, Grace naman is a friend.

"First of all, I would have to read the law to have an opinion. I purposely do not read the law.

"I purposely do not have an opinion about that kasi kaibigan ko siya, e."

Nalungkot ba siya sa disqualification case ni Senator Grace?

Tugon niya, “Of course, malungkot for someone na magka-ganyan. But appealable ‘yan.

"I think it’s a process in the Supreme Court and it’s understandable if they’ll fight it out, and it’s their right to do so, and we expect that to happen.

“So I really have no opinion whether talaga bang may dahilan para i-disqualify siya.

"Ako lang kasi talaga, I’m really a believer in the logic of the law.

“I think kung may nakikita siyang puwang, dapat niyang ilaban.

"In the end, the law will prevail, e."

Sa isang panayam ay sinabi ni Senator Grace na ang kampo nina Mar at Vice Preident Binay ang nasa likod ng mga disqualification cases na kinahaharap niya.

Read: Grace Poe says Jejomar Binay, Mar Roxas behind her disqualification from presidential race

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Korina sa inihanda nilang Christmas party ni Mar para sa entertainment press sa Hotel Novotel, Cubao, Quezon City, kagabi, December 2.


POLITICIAN'S WIFE. Samantala, aminado si Korina na hindi madali ang maging maybahay ng isang pulitiko, lalo na kung tumatakbo ito bilang Pangulo ng Pilipinas.

Pahayag niya, “Very mahirap.

"But, you know, if you want to do something really well and you want to hit your target, there’s nothing madali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman talaga madali yun.

“Sanay naman ako sa trabaho... Rated K, number one for ten years.

"Hanggang ngayon, kinakayod pa rin namin ‘yan."

Aminado rin ang Kapamilya broadcaster na mas mahirap ang oras sa mundo ng pulitika kumpara sa nakagisnan niyang trabaho sa news and current affairs.

“Mas mahirap, pero there’s also the other dimension about the person that you get to develop.

"So, you know, I’m a positive thinker, e.

"Kahit hirap na hirap na ako, iniisip ko kung paano ako napapabuti ng ginagawa ko.

“So, iba. Iba ang hirap ng TV, iba ang hirap ng kampanya.”


BONDING MOMENTS. May oras pa ba silang mag-asawa para sa isa’t isa, kahit busy sila sa kampanya?

Sgot ni Korina, “Oo naman.

“We made it sort of like a rule na siyempre, kapag weekdays...

"Una, we have a thread, so we know where we are.

"Minsan kasi, biglang hindi uuwi. Yun pala nasa thread.

“Kasi sobrang busy. I’m in a different province, he’s in a different province.

“But when we come home or we try to be home, late kaming uuwi, pero we’ll catch the last flight, yung ganun.

"And then, we made it a rule na Sundays is off-limits.

“So Sunday, we’re together. We try to be home. Bonding lang kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN