TJ Trinidad on his choice for the presidency: "Nagli-lean ako towards Mar Roxas."

TJ Trinidad feels blessed to have bagged the character of a demon in Metro Manila Film Festival 2015 entry, Buy Now, Die Later. "Meant to be," he beamed when the role intended for Billy Crawford eventually landed on his lap.


Bagamat matagal-tagal pa ang susunod na eleksyon, sa puntong ito ay may napipisil na raw ang aktor na si TJ Trinidad na iboboto niyang presidente sa 2016.

Pahayag niya, “Siyempre nag-a-assess pa ako, base sa mga napapanood ko, sa mga debates nila.

“Well, actually, hindi naman debate, e, nag-i-speech lang sila, Q&A [question and answer].

“Ang hinahanap ko talaga, debate, pero ayaw mag-debate ng ibang kandidato, so mahirap silang parang i-compare.

“Pero right now, base sa mga nakikita ko, nagli-lean ako towards Mar Roxas.

“Vice? Parang nandun ako either Leni Robredo or Alan Cayetano.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si TJ sa presscon ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na Buy Now, Die Later, na ginanap sa Max’s Restaurant, Quezon City, kahapon, December 3.


PURE EVIL. Si Billy Crawford ang unang choice para sa role ni TJ sa pelikula na si Santi, ang demonyo sa buhay ng characters sa pelikula.

Hindi raw isyu kay TJ kahit second choice siya.

“No, not at all!

"It’s such a blessing na napunta sa akin yung role na ito.

“Siyempre ginawa kong akin itong role na ito; nung ibinigay sa akin yung script, sabi ko, meant to be!”

Paglalarawan ni TJ tungkol sa karakter niyang si Santi, “Demon siya talaga, hindi siya tao.

"Yung goals niya, yung motivation niya is purely evil talaga.

“Hindi siya yung multi-faceted na parang may nangyari kaya siya naging masama.

"Hindi, masama siya talaga."

Lahat ng co-stars daw niya ay iikot ang kuwento sa kanya.

“Oo, yung mga dreams nila na gusto nilang makamit, e, naaabot nila dahil sa akin, but in a twisted, corrupt way.

“Parang napapabilis yung dreams nila, pero may trade-off.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN