Janine Gutierrez assures she has no plan to follow boyfriend Elmo Magalona's move to ABS-CBN

The love team of Janine Gutierrez and Elmo Magalona is finished with his transfer to ABS-CBN. Will it be the beginning of the end of their relationship?


Bukod sa pagiging magkarelasyon sa totoong buhay, sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona ay kilalang magka-love team sa GMA Network, hanggang sa paglipat ng young actor-rapper sa Kapamilya network last week.

Masaya naman daw si Janine para sa kasintahan.

“I’m happy for him kasi alam ko na how much he wanted to work.

“Masaya ako kasi nakikita ko kung gaano siya ka-excited sa mga bago niyang ginagawa.

“Siyempre, nandito lang naman ako para sumuporta.”

Hindi ba siya nalungkot sa pagtatapos ng love team nila?

“Siyempre, nalungkot,” pag-amin ni Janine, “hindi ko na siya makakasama sa teleserye.”

Pero dagdag niya, "Eventually, magkakatrabaho pa rin kami.

"Umiikot-ikot lang naman ‘yan, di ba?"

Si Elmo ba ay hindi nanghinayang sa pagkabuwag ng nabuo na nilang tambalan?

Ayon kay Janine, “Siguro that makes it easier, kasi girlfriend naman niya ako.

“Kahit na hindi kami magkasama sa trabaho, magkikita at magkikita pa rin kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa presscon ng pelikulang Buy Now, Die Later nitong Huwebes, December 3.

NOT WORRIED. “Grabe!” bulalas naman ni Janine sa komento na malamang daw ay mag-break na sila ni Elmo ngayong magkaiba na sila ng network na kinabibilangan.

Isang posibilidad kasi na mangyari ang ganoong sitwasyon sa pagdaan ng panahon.

Sabi ni Janine tungkol dito, “Ako, hindi naman po ako natatakot, kasi work is work.

“Hindi naman kami together dahil magkatrabaho kami.

“Kasi kung ganun, sana kami na nang magsimula yung Villa Quintana, pero hindi naman, e.”

May assurance ba sila sa isa’t isa na hindi masisira ang kanilang relasyon ngayong magkahiwalay na sila ng network, lalo't maiiba na ang kanilang screen partner?

Saad ni Janine, “Siguro nasa amin na yun na kilala ko siya, kilala niya ako.

“Wala naman akong nararamdamang takot right now.

“I don’t feel any pressure... I’m not worried.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman na ang priorities niya talaga ay yung career niya.

“Masaya lang talaga ako para sa kanya na marami siyang opportunities ngayon, ganado siya sa trabaho at ginagawa niya.

“I think he’ll really be successful there.”

Si Janine ay kasalukuyang napapanood sa morning serye ng GMA Network na Dangwa.

Ramdam naman daw ng dalawa ang suporta nila sa isa’t isa.

“Supportive naman po siya sa akin noong nagsisimula ako sa Dangwa.

“Siyempre susuportahan ko rin siya sa bago niyang project,” sabi ng Kapuso actress.


KAPUSO FOREVER. Dalawang taon pa ang kontrata ni Janine sa GMA-7 at nilinaw niyang masaya siya bilang isang Kapuso.

Hindi naman maiiwasan ang espekulasyong pagkatapos ng kanyang kontrata ay maisipan nitong sumunod kay Elmo sa Kapamilya network.

Tiniyak ni Janine na wala siyang ganoong plano.

Pahayag niya, “Kasi masaya po ako sa GMA.

“Masaya naman ako sa ginagawa ko sa GMA, at saka talagang inaalagaan naman po ako ng GMA.”

Masaya rin daw siyang natutupad naman ang mga gusto niyang mangyari katulad ng pagkakaroon ng pelikula.

Introducing si Janine sa Buy Now, Die Later na isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival 2015.

Aniya, “Iniisip ko nga, natutupad naman pala ang mga hinihiling ko kaya nagpapasalamat ako.

“Yung mga last presscons ko, palagi kong sinasabi na gusto kong mag-MMFF, gusto kong mag-indie, kaya nakakatuwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN