Jessy Mendiola reflects on rollercoaster ride in showbiz this year

Hindi ipinagkaila ni Jessy Mendiola na marami siyang pinagdaanang pagsubok sa taong ito. Pero hindi naman daw ito naging hadlang sa kanyang pagpupursige sa showbiz kaya naman marami rin siyang blessings na natanggap.


Ipinagdiwang ni Jessy Mendiola ang kanyang ika-23 kaarawan kahapon, December 3.

23.

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) onDec 2, 2015 at 10:34am PST

Sa kanyang post sa Instagram, nagpasalamat ang Kapamilya actress sa mga bumati at naglaan ng panahon para sa pagbibigay ng surprise birthday treat sa kanya.

Saad ng You’re My Home star, “Matatapos na ang kaarawan ko. Maraming surprises na naganap, sobrang nakakatuwa. 23 na ako guysh!

"Maraming salamat sa lahat ng bumati at gumawa ng mga paandar today.”

Aminado si Jessy na hindi naging madali ang pinagdaanan niya ngayong taong ito.

Pero hindi raw siya nagpatalo sa mga pagsubok na dinaanan kaya nakatanggap din siya ng maraming blessings.

“2015, marami akong pinagdaanan pero hindi ako nagpatalo sa 'yo.

"Marami din naman kasi akong blessings na natamo dahil sobrang bait ng Diyos.

“Binigyan niya ako ulit ng isang taon na punong puno ng lessons at karanasan na hindi ko makakalimutan.

“Parang rollercoaster ride. Pinatatag mo talaga ako at ginawang matapang na babae. Excited nako sa 2016.

“Muli, maraming salamat sainyong lahat na bumati at nag-effort sa birthday ko. Ginawa niyong espesyal ang kaarawan ko. Mahal ko kayo. #overwhelmed ”

Ilan sa matinding pagsubok na pinagdaanan ni Jessy ay ang pangalawang hiwalayan nila ni JM de Guzman at ang pagkakasangkot niya sa plane incident kasama si Enrique Gil.

Read: FIRST READ ON PEP. Jessy Mendiola and JM de Guzman break up anew

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN