Cherry Pie Picache hospitalized due to extreme back pain

Cherry Pie Picache on her sudden leave of absence from taping yesterday: "To my ON THE WINGS OF LOVE Family, thank you sooo much for the love& understanding!!Ÿ˜˜Ÿ˜ÂŸ˜ŠÂÂŸ™Â bed rest till Sunday so I can be back on MondayŸ™ÂŸ™ÂŸ‘ #OTWOL."


Sinugod sa ospital si Cherry Pie Picache dahil sa naramdamang matinding pananakit ng likod noong Huwebes, December 3.


Base ito sa ulat ng Star Cinema online site kahapon, December 4.

Kasabay nito ay ibinahagi ng beteranang aktres ang isang larawan kung saan makikitang mayroong suwero ang kanyang kaliwang kamay.

Pahayag ni Cherry Pie sa kanyang Instagram account, “Just this morning, we were celebrating the gift of life of Fr. Jun Jun Silvino Borres with my CBCP- ECPPC family..

“Kuya Rudy Rodolfo Diamante, Kuya Gerry Bernabe, Commissioner Karen Dumpit, & Kuya Ed Instrella Ed among others...

“Then at 2pm, thisŸ˜Ÿ˜Å¾

“To my Boardwalk family.. I'm so sorry, I had to cancel going to our I SHARE launch...Ÿ˜Å¾”

Ayon pa kay Cherry Pie, pinayuhan siya ng doktor ng complete bed rest hanggang bukas bago siya muling sumabak sa trabaho.

Bunsod nito, hindi rin nakapag-taping ang aktres para sa kinabibilangang Kapamilya primetime teleserye, ang On The Wings of Love.

Gayunman, nagpasalamat si Cherry Pie nang makatanggap ng bulaklak mula sa mga kasamahan sa naturang programa.

Maging si Coco Martin na ilang beses nang nakatrabaho ni Cherry Pie ay nagpadala rin ng bulaklak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN