Vhong Navarro on possibility of forgiving Deniece Cornejo, Cedric Lee, et al: "Kaya ko naman sila patawarin kung hindi nila pinalalabas na ako pa ang masama.''

Vhong Navarro admits that it's not easy to forgive his accusers: "Sa ngayon kasi, ang hirap magpatawad na ikaw pa ang binabaliktad. Paano mo patatawarin ang isang tao kung ikaw pa ang binabaliktad, ikaw pa ang masama?''


Nilinaw ni Vhong Navarro na bilang magkaibigan at magkasama sa It's Showtime, nagsusuportahan silang dalawa ni Vice Ganda sa kani-kanilang pelikula na parehong entry sa darating na Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong Disyembre 25.

Si Vhong ay tampok sa pelikula ng Quantum Films na Buy Now, Die Later, samantalang si Vice Ganda naman ay bida sa Beauty and the Bestie, kunsaan kasama ang kaibigan nitong si Coco Martin.

Pahayag ni Vhong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng entertainment media sa presscon ng Buy Now, Die Later, "Idolo ko [si Vice], pero hindi ko kaya yung box-office record niya.

"Pero yung achievement ko, achievement na rin niya, kasi magkapatid kami, e.

"So, parang tulungan. Yun nga, sabi niya, 'Sige, suportahan tayo dito.'

"Kung nagpa-plug ako, pina-plug niya rin, ganun din ako sa kanya."

Ginanap ang nasabing presscon sa Max's Restaurant, sa Roces Avenue, Quezon City, noong December 3.

NOT CONCERNED WITH BOX-OFFICE SUCCESS. Ano ang tingin niya sa magiging box-office standing ng kanilang entry considering na malalaking pelikula ang makakalaban nila?

Pabirong itinuro ni Vhong si Alex Gonzaga na kanyang leading lady, at siya ring katabi niya habang nangyayari ang panayam na ito.

Pagbibiro niya, "Ang ano niyan, gusto kong ibigay ang sisi kay Alex, kasi siya ang pinakasuwerte.

"Kasi, yung filmfest last year, kasama mo si Vice, at natatandaan ko, sinabi mong ikaw ang lucky charm ni Vice.

"Kaya, naging box-office hit ang Private Benjamin Part 2.

"Kaya, na kay Alex po ang alas kung ano ang...

"Ang maganda sa movie namin, may comedy siya at suspense. 'Tapos magkakadikit-dikit ang characters. Siguro, yun ang pinaka-edge namin.

"At ayokong sabihin na may laban, pero siguro sa tulong ng mga manonood, at sa tulong niya, sa word-of-mouth, yun na lang ang nilalaban namin na parang may laban."

Dugtong pa ng comedian-TV host, "Hindi na kailangang ano, kung pang-ilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na namin iniisip yung maging number one o number two.

''Basta ang iniisip namin ay ma-entertain namin yung manonood, yung perang ibinayad nila ay hindi masayang. Okey na kami dun.

"Malalaki ang mga pelikula, malalaki ang mga artista, kaya di ko na talaga ini-expect na mag-number one.

"Basta ako, gusto ko yung project, at bilang artista, isa ito sa mga gusto kong gawin, kasi ang pagkakaalam ko, nagawa ko na ang lahat, puwera lang ang character ko dito.

"Nung tinanggap ko yung project, wala akong takot, mas na-excite ako, kasi gusto ko ngang gawin ito dahil hindi ko pa nagagawa."

BODYGUARDS. Samantala, napansin ng press na may kasama siyang dalawang bodyguards sa nasabing presscon.

Marami tuloy ang na-curious.

Hindi pa ba siya naka-move on mula sa trauma at takot niya mula noong nangyari ang beating incident noong nakaraang taon?

Read: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

Aniya, "Meron pa ako ngayon, meron po akong kasama na bodyguards.

"Kasi alam na natin ang panahon ngayon, di na natin alam.

"Ang mga tao ngayon, kapag binabaril, parang ipis na lang.

"Oo, meron pa naman na takot, hindi nawawala yun.

"Pero ako ngayon, ibinibigay ko na sa Panginoon ang lahat.

"Kung kailangan na ba akong kunin, wala tayong magagawa.

"Basta ang pananampalataya ko ay nasa Kanya.

"Oo, nanggagaling pa rin sa Itaas, kasi kahit ano'ng dami ng bodyguards mo, kung kukunin ka na, wala tayong magagawa."

Kinumusta ng PEP ang tungkol sa kaso niya noon.

Saad ng actor-dancer, "Alam niyo, ang sarap sanang magsalita ng nararamdaman ko, ang hirap nga lang dahil may gag order tayo.

"Kumbaga, yun ang mga hindi ko puwedeng masabi, kasi baka maapektuhan naman kami.

"Tuloy pa naman ang kaso.

"Yung makikipag-ayos, hindi po talaga ako makikipag-ayos.

"May mga nakarating sa amin, pero..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IS HE READY TO FORGIVE? Kaya pa ba niyang patawarin ang mga nasangkot at mga kinasuhan niya?

Giit ni Vhong,"Sa ngayon kasi, ang hirap magpatawad na ikaw pa ang binabaliktad.

"Paano mo patatawarin ang isang tao kung ikaw pa ang binabaliktad, ikaw pa ang masama?

"Kaya ko naman sila patawarin kung hindi nila pinalalabas na ako pa ang masama.

"Humingi nga ng tawad e paano mo naman patatawarin?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN