Luis Manzano, Angel Locsin blast IG accuser

Hindi napigilan ng magkasintahang sina Angel Locsin at Luis Manzano na sagutin ang isang basher na inaakusahan ang TV host at ang kaibigan nitong si Billy Crawford na diumano'y nagpatanggal sa kanya sa trabaho. Sabi pa ng naturang basher, dinuraan ng magkaibigan ang kanyang sapatos.


Naging matagumpay ang operasyon ni Angel Locsin sa kanyang tinamong disc bulge nitong nakaraang linggo sa Singapore.

Read: Angel Locsin undergoes surgery in Singapore for her disc bulge

Matapos nito, nag-post kaagad ang Kapamilya actress sa kanyang Instagram account na pauwi na siya sa Pilipinas.

“On our way back to Manila!œˆÂ? still in recovery stage..thank you so much for those who prayed for meÂ?Â?”

On our way back to Manila!??? still in recovery stage..thank you so much for those who prayed for me??

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Nag-comment naman dito ang boyfriend niyang si Luis Manzano ng: “Kiti koooooooo, love koooooooo.”

 

BASHER. Pero habang bumubuhos ang mga mensahe kay Angel na magpagaling kaagad at maaaring siya pa rin ang gumanap na Darna, may isang naligaw na nagkomentong inirereklamo si Luis at ang kaibigan nitong si Billy Crawford.

Diumano'y sina Luis at Billy ang nagpatanggal sa kanya sa trabaho dahil lamang sa hindi 'well-done' ang nai-serve niyang steak sa kanila.

Kuwento ng isang nagpakilalang Cris Silao (@cris0224):

“@luckymanzano di mo ba ako naaalala? Ako yung waiter na inapi nyo ng bestfriend mo na si Billy. Aminado naman ako na nagkamali ako sa order nyo, e.

“Pero, tama ba na ipa-sisante mo ako?

“Kailangan ba na mawalan ako ng trabaho dahil lang hindi well-done yung steak na naibigay ko?

“Inayus naman namin, e. Hindi mo lang alam kung gaano ka-importante yung trabaho na yun sa akin.

“Ako lang ang inaasahan ng mga kapatid ko dahil iniwan na kami ng mga magulang namin.

“Hindi mo kasi alam yung feeling na walang makain at magutom kasi lumaki ka sa yaman.

“Hindi ako bitter dahil dun. Masama lang yung loob ko kasi ginamit nyo yung pagka-artista nyo para lang mang-api ng kapwa.

“Sinabi pa ni Billy na ipapasara nya yung restaurant pag hindi ako mawawala sa trabaho.

“Syempre aalisin nga ako. Pati yung amo ko ayaw nya akong tanggalin. Naiiyak pa nga sya nung sinabi nya sa akin kasi alam nya yung situation ko at alam nya na maayus ako magtrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time ko lang nagkamali. Malas ko lang at kayo yung na-encounter ko.

“Kagalang-galang pa man din yung nanay mo. She must be so proud of you.

“Alam ko makakahanap ulit ako ng work medyo mahirap lang ng konti because I’m trying to work and go to school at the same time while taking care of my brothers. One year na lang at civil engr na ako.

“I’m one of the top student sa UP at buti na lang kahit ganyan kayo, meron pa ring mabubuting loob at binigyan ako ng full scholarship sa school.

“I promise we will meet again. Hindi habang buhay mahihirapan kami ng mga kapatid ko.

“Malapit na ako matapos sa pag-aaral ko at meron na kumukuha and kumokontrata sa akin para gumawa ng mga buildings sa Dubai at sa susunod na magkita tayo patas na ang laban.

"Pero hindi pa rin kita babastusin kagaya ng ginawa mo sa akin kundi I will still pray na baguhin yung puso mo para hindi ka na mang-api ng iba.

“Pero, hindi na ako papayag na duraan nyo ako like you did.

“Oo, I remember when you and Billy spit on my shoes.

“Pinaghirapan ko yung shoes ko na yun kaya wala kayong karapatan duraan siya.

“Sana malaman ng tao ang tunay na kulay nyo.

“Tsaka sana hindi kayo makarma sa ginawa niyo sa akin.

“Alam ko hindi lang ako ang inapi nyo at marami pang iba. I PROMISE… WE WILL MEET AGAIN.”

“ANG BUHAY AY PARANG GULONG…” Sinundan pa niya ito ng isang mahabang komento tungkol naman sa "karma."

“@luckymanzano always remember po na ang buhay parang gulong po.

“Minsan nasa taas at minsan nasa ibaba naman. Tingnan nyo po si Billy Crawford, dati sobrang sikat nila sa Showtime then almost after nyo ako pinaalis sa trabaho biglang nagkaroon ng issue sa trabaho nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang yun, bigla silang nagkaroon ng mababang ratings at nilampaso sila ng Yaya Dub ng Eat Bulaga.

“Kahit po ganun yung ginawa niyo sa akin, I never wished you guys harm.

“Hindi ko ginusto na ma-karma kayo. I’m just trying to understand na mayaman kayo at dapat special treatment talaga yung pagkain nyo and I have no room for mistakes.

“Pero ganun pa man po, tao lang ako at nagkakamali din.

“I didn’t deserve to get fired from my job just because your steak wasn’t well-done as you requested.

“Kung sana po binastos ko kayo o naging mayabang ako dun po sana mas madaling tanggapin.

“Pero nakita nyo naman po siguro yung nerbiyos at takot ko sa inyo at halos hindi na ako mapakali dahil gustong-gusto ko maayos yung aking pagkakamali. Ingats po kayo palagi and God bless.”

May isang may handle name na @livetoloveyu ang kumampi kay Cris at inakusahan din sina Luis at Billy.

Sabi niya, “Ang bad naman ni Lucky Manzano at friend Billy @therealangellocsin walang puso at kaluluwa nagpasesanti sa ordinaryong tao na working student para lang mairaos ang pamilya at dinuraan pa ang sapatos nya bastos, walang galang at matapobre mga ganyang tao.

“Dapat hindi natin yan hinahayaan at tinatanaw as idols.

“Boo @luckymanzano at friend Billy mga salbahe kayo matapobre walang awa pati hardworking waiter at student pinapatulan pinasesanti nyo sa trabaho.

“Masahol pa kayo sa hayop.

“Sana madama nyo isang araw gaano kahirap ang mawalan ng trabaho at maghihirap.

“Paging Ms. @malousantos03 may mga talents kayo na proud na sa sarili, at walang respeto sa ordinaryong tao mga bullies, power trip kasi artista.

“Shame on them. Hindi dapat tularan ito.”

 

"HINDI AKO NAGMAMAKAAWA..." Dagdag pang komento ni Cris, hindi siya nagpapapansin at gusto lang niyang maglabas ng kanyang hinanakit laban sa dalawang Kapamilya stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po ako nagpapaawa. At lalong hindi po ako humihingi ng pansin. Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko at gusto ko lang malaman ng iba ang totoong kulay nyo.

"And most of all, I just want to know why nyo ginawa sa akin yun.

"Just explain why and I will try to understand po.

"Alam ko po na hindi ko po kayo kaya sa social media ko na lang labas loob ang itatanong."

May nagkomento namang bakit daw sa Instagram account ni Angel nagmamaktol si Cris.

Sagot nito, nagsabi na raw siya ng kanyang nararamdaman sa mga account nina Luis at Billy pero blinock daw siya ng mga ito.

Dito na rin binuweltahan ng mga tagahanga nina Angel, Billy, at Luis si @cris0224.

Ngunit nanindigan itong labis lang siyang nasaktan sa naranasan diumano niyang pang-aapi muli kina Luis at Billy.

Sabi pa niya, “Sensya na at dito ako nag-message. Marami lang kasi akong narinig kung gaano kabuti at kabait ni Miss Angel Locsin.

“I guess nagsusumbong lang ako. O kaya warning ko lang si idol kasi baka hindi niya alam ang totoong pagkatao ng bf niya.”

 

ANGEL AND LUIS REACT. Pagkatapos ng ilan pang mga komento, sumagot na si Angel kaugnay ng mga akusasyon ni Cris.

Sabi ng Kapamilya actress: “@cris0224 ano namang kinalaman ni Luis dyan at bakit mo naman siya dinadamay?

“Never nangbastos si Luis ng kahit sino.

“Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya.

“Kaya sana ‘wag kang mag-imbento ng kuwento dahil sabi mo nga may karma.”

Sumunod na ring sumagot si Luis kay Cris.

Sabi ng Kapamilya Deal or No Deal host: “@cris0224 - medyo mali facts mo, dahil never kami lumabas ni Billyboy at kumain ng steak!

"HANG TAAAAAAGALLLLL ko ng di nakakasama sa labas si Billyboy, kung gusto gumawa ng kwento, magulang mo nalang kausapin mo, tanungin mo sila bakit ka nila binuo, isama mo na rin yung mga basta basta naniniwala sa mga comment online Ÿ˜‚Ÿ˜‚Ÿ˜‚

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I've been dining out mula ng bata pa ako, I can say na wala pa akong binabastos na kahit sinong waiter o trabahador dahil pantay pantay tingin ko sa may ari ng restaurant o kahit sa waiter, ilang beses na akong na serve-an ng maling order, undercooked dish or di kaya may maling lasa yet NEVER ako nambastos ng kahit sinong staff, ang swerte naman ng kung sino yung nasa kwento mo dahil kamukha ko Ÿ‘Â?ŸÂ?Ÿ‘Â?ŸÂ?Ÿ‘Â?ŸÂ?

“Na serve-an na nga ako ng steak na lasang sabon e, tinawanan at binulong ko nalang sa waiter para di siya ma stress, ganun ako. Good luck sa pagdamay sa akin at kay Billy sa problema mo."

 

SAME OLD HATER? Ayon pa sa Kapamilya TV host-actor, parang lumang basher na si Cris na gumagawa lamang ng kuwento para siraan siya at si Billy.

“Parang may nabasa na akong ganitong issue dati na gawa gawa rin dati pero bakit bigla mo akong sinama eh wala naman ako dun?

"Gumawa pa yan si @criss0224 ng hate account na parang ihateluisandbilly hahahahaha baka nahuling nagnanakaw sa restaurant kaya natanggal kaya naghanap ng idadamay, di ko na nga maalala kelan kami huling nagkasama ni Billyboy outside of work, lalo pa't kumain ng steak Ÿ˜‚Ÿ˜‚Ÿ˜‚Ÿ˜‚”

Sagot naman dito ni Cris: “@luckymanzano sir, alam nyo po ang sinasabi ko.

"Syempre artista at medyo sikat kaya maraming kakampi syo. Hindi ako pwedeng magkamali na ikaw yun at si Billy kasi lahat ng tao napansin kayo.

"Hindi po ako lalaban syo. Alam natin dalawa kung sino nagsisinungaling sir.

“Ano ba mapapala ko pag siniraan kta eh wala man tyo connection sa isat isa. Magkakapera ba ako pag gnawa ko yun?

“I wish you no harm po sir. Hindi man lng nga ako naghihintay ng sorry eh. I just simply want to know why. Tsaka wag nyo nmn po idamay yung mga magulang ko kasi wala dn nmn sila kinalaman d2 eh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po ako problema sa inyo kaya wala akong dahilan para gumawa ng kwento.

"Hindi ko rin po susubukan lumaban sa inyo dahil wala po akong laban sa katulad nyo na artista.

"Mahirap lng po ako ay alam ko na walang kakampi sa akin kaya hindi ko po sisimulan mag gawa ng away d2 dahil ako rin ang magiging kawawa.”

Buwelta ni Luis: “You wish me no harm pero nagiimbento ka ng kwento sa akin?

"Hahahahaha, quits lang sa magulang, ako nga walang kinalaman sa kwento mo pero dinadamay mo hahahahahahaha labo mo! Hahahaha.”

 

ANGEL DEFENDS BF. Sumingit muli si Angel sa kanilang usapan.

Tanong nito: “@cris0224 nagkita ba kayo ng personal para idamay mo si luis sa kwento mo?

"Wag ganun. Wala namang ginagawang masama sayo yung tao kaya wag mo sanang siraan.”

Pero patuloy pa rin binanatan ni Cris si Luis.

Sabi nito, “@luckymanzano kahit ganun po ang naging experience ko sa inyo I still wish you the best at idol ko pa rin po kayo.

"Hindi ako bitter pero medyo naiinggit ako sa inyo dahil lumaki kayo sa sarap ng buhay. Siguro po kahit isang beses hindi nyo naging problem ang pagkain.

“Lahat po siguro nasa inyo. Kaya lng po ako nag comment d2 para po magtanong kung bakit nyo po ginawa yun sa isang taong nagtratrabaho ng maayus.

"Meron po ba ako nasabi/nagawa na hindi nyo nagustuhan?”

Tugon ni Luis: “@cris0224 - bakit ako mag sosorry sa walang anong kinalaman e di sana nag sorry na rin ako sa pagkapatay kay Rizal, hanap ka na ng susunod na kwentong iimbentuhin.

"Dapat maging presidente si Duterte para sa mga katulad mong addict at gawa gawa ng kwento ang trip Ÿ˜‚Ÿ˜‚Ÿ˜‚

@iamnel09 - oo nga!!! Looking back, halatang gawa gawa lang ang kwento about Billy and Coleen dati dahil bigla akong napasok sa kwento! Hahahahahahahaha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

“MAGHARAP-HARAP TAYO…” Dahil dito, pinutakti na si Cris ng ibang IG users.

Ipinagtanggol nila ang tatlo laban sa mga gawa-gawa raw na kuwento ni Cris.

Sagot niya sa kanila: “@itsxtiancapuyan alam ko nmn na mangyayari ito eh. Na lahat aawayin ako dahil d2. Hindi ako lumapit dn sa sinasabi nyo dahil ganito dn yung aabutin ko dahil wala nga akong laban.

“Wala naman kyo dun pero kung judge nyo ako parang nandun kayong lahat. Ako kaagad yung sinungaling pero sya hindi. Bkit? Kasi ba sikat at artista sya?? Pareho nyo lng kami hindi kilala kaya hindi nyo alam kung sino ang nagsasabi ng 22o.

“Isipin nyo lng kung hindi sya affected sasagot ba sya? Defend nya ba yung sarili nya sa akin eh wala naman ako kwntang tao. Pero ok lang po. Sana lng hindi mangyari sa inyo yung gnawa nila sa akin. Ang gagaling nyo mag judge porket mas sikat lng sya sa akin. Ingat nalang po kayong lahat. Bye.”

Dito ay muling sumagot si Angel.

Sabi ng aktres, “@cris0224 gusto mo magharap-harap tayo para malaman kung anong totoo? Game kami kasi wala naman kaming tinatago.

"Nakakalokang wala namang ganung pangyayari tapos sinisiraan mo si Luis. At dito pa sa ig ko. Tara taga saan ka ba?

“Maraming nakakaalam kung paano makitungo si Luis sa mga tao. Kaya hindi mo sya masisiraan. God bless you.”

Sabat ni Luis, “@cris0224 - bro, i mean this in all seriousness and sincerity, if you really think it was me, then maybe you should have your mental health checked, this is not a punchline, you may be delusional and suffering a mental illness, it maybe affecting you and the people around you bro.

"Please consider a check up for your sake and your loved ones :)”

Halatang na-stress na si Angel sa palitan ng mga komento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya sa nobyo, “@luckymanzano umiinit ang ulo koŸ˜”

Muling bumanat si Cris. Sabi nito, “@itsxtiancapuyan bakit ako hahanda syo? Anong gagawin mo skin?? Wala ka naman dun para mag judge ka sa akin walng hiya ka. Ikaw nga yung papansin eh.

“Oo alam ko talo ako sa inyo kasi ordinaryong tao lng ako. Kung si coco Martin ang nagsabi nito kahit hindi nyo alam sa kanya kayo kakampi kasi sikat din sya. Para lng kayong mga puppet. Mga uto uto. Alam natin kung sino ang nagsisinungaling.

“Tsaka wag mo ako tatawagin na adik dahil hindi mo ako kilala luckymanzano. Ni wala nga ako pambili ng pagkain namin dahil sa ginawa nyo eh. Hindi rin ako magnanakaw. Ganyan ka naman eh. Magaling mag bintang.

“Kaya nga napatalsik mo ako sa trabaho eh. Tinatawagan ko na yung may ari ng restaurant tsaka yung amo ko para naman masabi nila yung 22o pero sa takot sa inyo ayaw nila makielam.

“Talagang natakot sila sa sinabi nyo na papasara nyo yung place. Alam kasi nila n nasa politics yung nanay mo. WAG SANA KAYO MAG JUDGE DAHIL WALA NAMAN KAYO DUN. HINDI NYO KAMI KILALA PAREHO PERO SA KANYA KAYO KAMPI KASI ARTISTA SYA. WAG SANA MANGYARI SA INYO YUNG NANGYARI SA AKIN”

Muli, sinagot siya ni Luis.

Sabi ng ASAP host, “@cris0224 - bro, seryoso, please have your mental condition checked, if you firmly believe that you had that encounter with me, then you really do have a mental condition :)

"I would gladly help you find a right doctor, if you can claim truth out of nothing then I'm sure the people around you are suffering so much more. Don't underestimate mental illnesses bro :) it's never too late to get checked :) God bless :)

Dugtong naman ni Angel, “@cris0224 kaya nga magkita tayo tapos diretso sa NBI para malaman yung totoo. Kasi pwede ka naming idemanda sa mga binibintang mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Luis pa talaga ang sisiraan mo dito sa page ko? Okay ka lang? Kung ano man ang naging trauma mo, wag ka sanang mangdamay ng ibang tao para lang magpaawa.”

 

BILLY DEFENDS LUIS. Makalipas ang ilan pang mga komento, si Billy naman ang sumingit sa usapan.

Dinepensahan nito ang kaibigan.

Aniya, “Wow @luckymanzano @therealangellocsin na damay pa tayong lahat sa kwentong imbento.

“First of all si Luis at ako siguro dalawang beses na mag kasamang kumain una sa Birthday nya pangalawa pag nag dive.

“And Luis isn't capable of hurting a fly. But if this is what makes you happy to sturr things up, wala kaming magawa.

"Good luck na lang sa buhay mo. At sana ma pansin ka dito para maka pasok ka sa PBB! Ingat ka sa lamok baka ma dengue ka. Hatred makes us laugh! Ÿ˜Â?Ÿ˜‚œŒÂ?”

Sabi naman ni Angel, “@billyjoecrawford kaloka sya Billy! Wag mo na lang pansinin.”

Kasunod namang biro ni Luis kay Angel at Billy: “@therealangellocsin - steak po tayo love ko? :)

@billyjoecrawford - i wonder who paid for our "dinner" that never happened hahahahahahahaha.”

May paalala naman si Luis sa lahat ng mga nakabasa sa palitan nila ng mensahe:

“This is exactly what's wrong with people nowadays, people can come up with the most out of this world story about people and idiots will gobble it up as if it's a scientific fact, which one is worse, the one who invents the story or the people who automatically believe?”

Naka-private ang account ni Cris kaya hindi namin siya nahingan ng iba pang mga detalye.

May kahalintulad na ring pangyayari noon ang ganitong kuwento—ang diumano'y pagpapatalsik ni Coleen Garcia ng isang waiter sa trabaho dahil din sa naging serbisyo nito.

Read: Coleen Garcia apologizes to service crew who got fired because of her complaint on his alleged rudeness

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN