Governor Vilma Santos sets aside politics for Ala Eh Festival

Nagdesisyon si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na ganapin ang Ala Eh Festival, sa huling termino niya bilang gobernador, sa bayan ng Sto. Tomas na balwarte ng kanyang nakalaban sa pulitika.


Ngayon Martes, December 8, ang huling araw ng matagumpay na Ala Eh Festival ng Batangas province na proyekto ni Governor Vilma Santos-Recto.

Ginanap ang Ala Eh Festival sa Sto. Tomas, Batangas.

Memorable ito kay Governor Vilma dahil aminado siyang hindi niya balwarte ang bayan ni Armando Sanchez, ang dating gobernador ng Batangas na namatay dahil sa heat stroke noong April 2010 habang ipinangangampanya ang kanyang gubernatorial candidacy.

Ang misis ni Sanchez na si Edna Sanchez, na alkalde ngayon ng Sto. Tomas, ang pumalit sa kanyang asawa at naging kalaban ng Star for All Seasons sa gubernatorial post noong 2010.

Si Governor Vilma pa rin ang nahalal na gobernador dahil nakuha niya ang 59.63% ng mga boto, samantalang 38.91% votes lamang ang natanggap ng biyuda ni Sanchez.

Marami ang nagulat nang malaman nila na idaraos ang Ala Eh Festival sa Sto.Tomas dahil alam ng lahat na magkalaban sa pulitika si Governor Vilma at ang mga Sanchez.

Ipinaliwanag ng Star for All Seasons na maganda at maayos na ngayon ang samahan nila ni Mayor Sanchez dahil ang kapakanan ng mga kababayan ang kanilang top priority.

“Noong araw [2007], naalaala niyo nang lumaban ako na governor, ang pinakamahigpit kong nakalaban ay yung incumbent, si Governor Armando Sanchez; na ang mayor ngayon ng Sto. Tomas ay si Edna Sanchez, ang kanyang asawa.

"Sa mahabang panahon, sadyang hindi ako welcome sa Sto. Tomas dahil hindi ko balwarte."

Dagdag niya, “Pero noong last election, alam nating lahat na namatay si Governor Sanchez at ang pumalit sa kanya ay ang asawa niya, si Mayora Edna Sanchez.

“Awa ng Diyos, sinuwerte tayo, tayo pa rin ang nanalo.

"But right after the election ay nagkausap kaming dalawa ni Mayora.

“Pinag-usapan namin na ang eleksiyon ay isang araw lang.

“Ang importante, mapaabot natin ang serbisyo sa Sto. Tomas because Sto. Tomas is part of Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And Mayor Sanchez is very amiable, in person. She’s a very amiable woman and as a leader.

“Hindi kami nagkaroon ng mahirap na pag-uusap para masabi natin na makapagsilbi rin ako bilang governor dito sa bayan ng Sto Tomas.

“At yun nga po ang aming ginawa.

“Last year, sa Taal [ginanap ang Ala Eh Festival] at noong kinausap ko si Mayora na, 'Last term ko na, Mayora, gusto kong gawin ito sa Sto. Tomas.’

“At ngayon, nandito tayo sa Sto. Tomas, kaya very memorable itong Ala Eh Festival, lalo na’t huling termino ko na.

“So, thank you kay Mayora Sanchez dahil sa kanyang pagtanggap na dito gawin ang Ala Eh Festival.

“Very memorable para sa akin.”

Sa May 2016 elections ay tatakbong congresswoman sa Lipa City si Vilma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN