Luis Manzano assures everyone girlfriend Angel Locsin is on the road to healing after surgery

Luis Manzano thanks girlfriend Angel Locsin's supporters: “Thank you very much sa lahat ng nagdarasal para sa health ni Kite [popular name ni Angel sa mga fans]. We’re all working na maging 100% ang chance [of recovery]. Slowly but surely, it’s gonna be 100%."


Nakauwi na si Angel Locsin matapos ang first procedure na isinagawa para sa disc bulge sa kanyang spinal column.

Sumailalim si Angel sa isang operasyon noong December 4 sa isang ospital sa Singapore.

Ang problemadong disc bulge ang dahilan kung bakit hindi natuloy si Angel sa paggawa ng Darna remake.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa studio ng ASAP XX noong December 6, sinabi ng boyfriend ng aktres na si Luis Manzano na walang dapat ikabahala tungkol sa kalagayan ni Angel.

“She’s okay. In fact, magkikita kami mamaya. Pauwi siya mamaya.

"Okay naman, pero may mga kasunod pang gagawin.

"Ibang details, I’d rather na siya ang magsabi.

“It’s her journey going towards 100 percent [healing].”

Nagpasalamat si Luis sa lahat ng mga nagdasal para sa paggaling ni Angel.

“Thank you very much sa lahat ng nagdarasal para sa health ni Kite [palayaw ni Angel].

"We’re all working na maging 100 percent ang chance [of recovery]. Slowly but surely, it’s gonna be 100 percent."

Nagpasalamat din ang Kapamilya TV host-actor sa mga nurse na nag-alaga kay Angel.

"Balita ko nga, sobra ngang asikaso..."


DARNA REMAKE. Dahil sa matagumpay na operasyon ni Angel, muling nabuhayan ng loob ang kanyang mga tagahanga na baka matuloy na niyang gawin ang movie remake ng Darna.

Pero ayon kay Luis, “It depends.

"Based on my knowledge, wala pa naman yatang napipili.

"Siguro, if umabot sa point na kaya pa ni Angel, I’m sure iko-consider naman ng ABS yun.

“Hindi naman kasi puwede na porke’t nagawa na yung operation, puwede na kaagad. It’s still a process of therapy."

Hindi nakadalaw si Luis kay Angel noong nasa Singapore ito.

Paliwanag niya, “Kasi puro taping.

"Aalis kami [ni Angel]. Magbi-vacation kami sa States.

"So, kailangang pumondo ng mga episodes.

“Before Christmas, nandito na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal-tagal din kami. Marami kaming pupuntahan.

“Imi-meet niya ang friends niya. Imi-meet namin si Daddy [senatorial bet Edu Manzano] saka mga kapatid ko, sa medyo middle ng trip.”

BEST GAME SHOW HOST. Samantala, inamin ni Luis na isang source of pressure at bagong hamon ang pagta-tie nila ni Willie Revillame bilang Best Game Show Host sa katatapos na 29th Star Awards for TV.

Saad niya, “We’re very thankful to PMPC [Philippine Movie Press Club] to be acknowledged, to be recognized sa lahat ng ginagawa namin for Deal Or No Deal.

"As Best Game Show Host, ka-tie ko si Tito Willie.

“Ang gagaling din ng mga kalaban namin, like sila Tita Uge [Eugene Domingo].

"The fact na nanalo kami, naiuwi namin yung trophy, kami ni Tito Willie.

"Congrats, Tito Wils! Thank you po sa PMPC.

“Nandiyan of course ang saya at pressure.

"I guess the pressure makes you work harder, makes you work better."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN