Ian Veneracion on successful love team with Jodi Sta. Maria: "I'm just enjoying the ride."

Ian Veneracion on his successful team up with Jodi Sta. Maria: "Siguro another reason kung bakit nag-e-enjoy yung iba na panoorin, kasi alam naman nila na in real life, wala, we're just being professionals. I have a family, I'm married."


“I'm just enjoying the ride.”

Ito ang sinabi ni Ian Veneracion tungkol sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa teamup nila ni Jodi Sta. Maria.

Nagsimula ang kanilang love team, na tinatawag na JodIan ng fans, sa ABS-CBN primetime series na Pangako Sa 'Yo.

Kasunod nito ay muli silang magtatambal sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na All You Need is Pag-ibig.

Hindi raw inakala ni Ian na sa edad na 40 ay darating pa ang pagkakataong may makaka-love team siya, lalo pa ang makapareha si Jodi.

Sa press conference ng All You Need is Pag-ibig kaninang tanghali, December 8, ipinaalala ni Ian ang dating proyekto nila ni Jodi.

“Actually, mayroon kaming show ni Jodi dati...” sabi ni Ian, sabay tanong kay Jodi: “Anak ba kita noon?”

Patuloy ng aktor, “Kaya noong itong Pangako Sa 'Yo, niloloko niya ako, 'Grabe, dati anak mo lang ako. Ngayon, love team na tayo.'

"Sabi ko sa kanya, 'Huwag kang mag-alala, ang next show natin, nanay na kita. Aabot tayo diyan.'"

Naaalala n'yo pa ba ang show na ito na pinagsamahan dati nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion?

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Nang banggitin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na marami pa rin ang kinikilig sa kanilang dalawa, sabi ni Ian, “Natatawa ako, kasi nga, siyempre parang kung kailan ako nag-40 at saka lang...

“Nakakatuwa. I'm just enjoying the ride.

"Kasi sometimes you have project that people notice, there are some that no one knows about.

“Pero I think I've been showbiz long enough to realize that I shouldn't take things personally.

“Yun nga, kapag may show na successful, just enjoy the ride.

“Pero hindi ibig sabihin na lahat ng susunod na shows ay successful. I'm just enjoying the ride.”

Mabuti na lamang daw at kumportable na sila ni Jodi sa isa't isa kaya maganda ang onscreen chemistry nilang dalawa.

“Aside from kumportable kami sa isa't isa... In between takes, marami kaming jokes sa isa't isa, so minsan napupunta na yun sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may dialogue kami, parang ang kapal na ng ibig sabihin ng mga sinasabi namin.

“Siguro another reason kung bakit nag-e-enjoy yung iba na panoorin, kasi alam naman nila na in real life, wala, we're just being professional.

"I have a family, I'm married.

“Alam nila na parang may sexual tension, may forbidden love, baka yun, they find it interesting.”

Kung sakali, papayag pa rin kaya si Ian na muling makapareha si Jodi sa mga susunod niyang proyekto?

Sagot niya, “Si Jodi kasi, not just because of Pangako but as an actor, sobrang dali para sa akin na makatrabaho siya.

“It can be a different role.

"At saka yung chemistry naming dalawa, natural na natural lang sa amin."

 

NOT AN ISSUE WITH HIS WIFE. Sa kabilang banda, tinanong ng isang reporter si Ian kung nakararamdam ba ng selos ang asawa niya sa teamup nila ni Jodi.

Sagot ni Ian, “She's a confident person.

"She knows how professional I am when it comes to work.

“Kaya naman hindi ako nali-link ever since sa mga leading lady sa showbiz, kasi gusto ko yung ganun—to be professional.

“Even yung kissing scenes, the last thing I want is sabihin na nag-take advantage.

“Gusto ko talaga yung malinis. You know, yung reputation ko as an actor sa ganung bagay.

“Alam ng wife ko 'yon.

"Kilala rin niya si Jodi at alam niya how professional she is.

"So, walang ganun, hindi nagseselos 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN