Kim Chiu: “All I need is Xian.”

“All I need is Xian,” said Kim Chiu when asked about the status of her relationship with Xian Lim. However, she quickly clarified, “Grabe, idikit lang naman 'to sa [pelikula].”


Nagulat ang entertainment reporters nang sabihin ni Kim Chiu na “All I need is Xian” nang tanungin siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Xian Lim sa press conference ng All You Need is Pag-ibig nitong Martes, December 8.

Pero agad niyang nilinaw, “Grabe, idikit lang naman 'to sa [pelikula].”

Kinuha na rin ni Kim ang pagkakataong ito para magpasalamat sa kanyang ka-love team dahil sa paglabas nito sa kanyang “Mr. Right” music video.

“Siyempre, itugma natin sa 'Mr. Right,' naka-ilang views na siya, milyun-milyong views na sa YouTube dahil si Xian ang nandoon.

“Free lang 'yon, wala siyang TF. Thank you so much.”

Nang muling ibalik ang topic tungkol sa kanilang samahan, tugon ni Kim, “Masaya naman po si Xian. Nasisiyahan naman po ako sa kanya.”

Hanggang ngayon ay tila iwas pa rin si Kim sa pagsagot sa tanong tungkol sa kanila ni Xian; kagaya rin ng Kapamilya actor.

Subalit nang tanungin kung may kilig pa rin siyang nararamdaman para kay Kim, sagot ni Xian, “Siyempre, lagi naman.

“Sabi ko nga kay Kim noong ginagawa namin yung The Story of Us, tinanong ni Kim kung from the first time na magkaeksena, pareho pa rin ba ang pagtingin ko sa kanya, kung pareho pa rin ba yung nararamdaman, kung meron pa rin ba... Parang nadaanan lang ng usapan.

“Sabi ko, siyempre tuwing nakikita kita, mas dumadagdag ang nararamdaman ko para sa kanya.”

Diin pa niya, “Never siyang naging stagnant from the time we worked together noong Binondo Girl pa lang, to the time na hindi na kami magka-partner, tapos ngayon.”

Bukod sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na All You Need is Pag-ibig, magtatambal muli sina Kim at Xian sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na The Story of Us.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN