Rodrigo Duterte’s claim that he was molested by a priest may be true, says Jesuit priest

Pahayag ng Jesuit priest na si Fr. Nono Alfonso, Jr., nagsagawa siya ng pananaliksik na posibleng sumuporta sa pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na namolestiya siya ng isang pari noong bata pa siya.


Sinabi ng spokesperson ng Society of Jesus (Jesuit congregation) na si Fr. Nono Alfonso, Jr. na posibleng may katotohanan ang alegasyon ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na minolestiya siya ng isang parang Jesuit noong kabataan niya.

Inihayag ito ng Jesuit priest sa kanyang panayam sa dzMM nitong Martes ng umaga, December 8.

Ito ay kaugnay ng kontrobersiyal na pahayag ni Duterte noong December 1 na namolestiya siya at iba pang kapwa menor-de-edad ng isang pari sa isang Catholic school noong 1956.

Ayon kay Duterte, “Kaming sa Ateneo [de Davao] noon, and I will tell you the abuses committed against the minors at that time, including me, and I will tell you my story.

“Kaming lahat, dumaan kami.”

Naudyok si Duterte na bitawan ang mga salitang ito matapos siyang batikusin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Socrates Villegas dahil sa istilo ng Davao mayor na nakakababa raw sa moralidad ng bansa.

REVELATIONS. Sabi ni Fr. Alfonso sa interview sa kanya ng dzMM, nagsagawa sila ng sarili nilang imbestigasyon nang ibigay ni Duterte ang pangalan ng paring umabuso umano sa kanya noon.

“Yung una nga, sabi ni Mayor Duterte, Paul Falvey.

"So kami, nag-research kami.

“Merong isang Mark Falvey, kaya natama na rin niya yung kanyang facts,” pahayag ng pari sa phone interview.

Ayon pa kay Fr. Alfonso, galing noon si Falvey sa China matapos itong paalisin sa Catholic church dahil pinamunuan ang China ng Communist leader na si Mao Tse Tung noong early ‘50s.

“So, pumunta po sila dito.

"May mga Heswita mula doon sa China at naghintay dito for further assignments and possible return to China.

"So, naghintay siya [Falvey] dito, nabigyan ng trabaho."

Kinumpirma ni Fr. Alfonso na ang ibinigay na assignment kay Falvey noong nasa Pilipinas siya ay tagapamuno ng isang paaralan sa Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nabigyan siya ng assignment, para siya yung principal sa Davao grade school.”

Sa tanong kung ang ang assignment na naibigay sa pari ay bilang principal ng Ateneo de Davao, sagot ni Fr. Alfonso: “Ganun nga po. Opo.”

Dagdag niya, “But after five years, bumalik siya sa US. Hindi na nakabalik sa China.

“And sa aming pagkakaalam, namatay siya, 1975.

"And after his death there, meron pong mga lumitaw na kaso laban sa kanya."

Sabi ni Fr. Alfonso, may kinalaman sa pangmomolestiya ng mga bata ang mga kasong lumutang laban kay Falvey.

“May mga child abuse cases, lalaki at babae.”

Pero hindi raw nagkaroon ng formal cases laban sa pari dahil pumanaw na ito.


POSSIBLY TRUE. Sa direktang tanong kay Fr. Alfonso kung tinatanggap ba nilang may katotohanan ang reklamo ni Duterte, sagot nito: “Opo, maaaring nangyari ‘yan, kung siya yung Mark Falvey.

"Kasi sa Estados Unidos, may mga kaso siya dun, although hindi formal cases, kasi patay na siya nung lumabas ang mga cases na ito."

Sa hakbang naman ng Jesuit congregation sa bansa matapos ang ginawang pananaliksik sa isyu ni Duterte, sinabi ni Fr. Alfonso, “Kami po, internally, we took note of this.

"We are in the business ministry of education kasi bawal ang mga ganito, walang puwang.

"Kasi we're always engaged with the young, nagtuturo kami. Bawal ang mga ito.

"We take note of this.

“We feel sorry if this really happened kasi malaking dagok kung totoo.”

Sa usapang legal, wala na raw mangyayari dahil pumanaw na ang paring inaakusahan at walang formal complaint.

Samantala, may protocols na raw sa nasabing congregation matapos pumutok ang mga parehong isyu sa US noong 2000.

Kinumpirma rin ni Fr. Alfonso na nagkaroon ng pag-uusap sina Duterte at Archbishop Romulo Valles tungkol sa isyu.

Dagdag pa ni Fr. Alfonso, “Hindi na raw po siya [Duterte] interesado na dumulog sa proper forum kung magagawan ng paraan ito. It was a long time ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po kami makakakilos pag walang kumbaga dumulog para sa formal complaint.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN