Is Pokwang engaged to Lee O'Brian?

Pokwang says her Christmas is merrier this year because she's spending it with boyfriend Lee O'Brian, “May kasama na akong magsi-simbang gabi.”


Binigla ni Pokwang ang entertainment press nang ipakita niya ang kanyang suot na singsing sa press conference ng All You Need is Pag-ibig kahapon, December 8.

Sabi pa ng Kapamilya comedienne, “Tingnan mo.”

Akala tuloy ng lahat ay engaged na si Pokwang sa kanyang boyfriend na si Lee O'Brian.

Natatawa namang binawi agad ni Pokwang ang kanyang sinabi sa pamamagitan ng biro: “Katutubos ko lang!”

Pagkatapos ay nilinaw niyang wala pang engagement na nagaganap sa relasyon nila ni Lee, na nakilala niya sa pelikulang Edsa Woolworth.

Aniya, “Wala pa. Darating tayo diyan.”

Nang usisain kung engaged na nga sila ni Lee, isa na namang natatawang sagot ang ibinigay ni Pokwang: “Huwag ka nga! Ito naman, kaya ko naman bumili kahit papaano, SM lang 'to, e!”

Sa ngayon, ayon kay Pokwang, magiging mas masaya ang Pasko niya dahil matapos ang 17 taon ay maipagdiriwang niya ito na may kasamang boyfriend.

“Masaya naman ang mga nakaraan kong Pasko. Pero ngayon, mas masaya.

"At saka may kasama na akong magsi-simbang gabi.

"Yung mga Pasko, kailangan palagi tayong masaya kasi 'yon ang kapanganakan ng ating savior.

"So, dapat lagi lang tayong thankful kung ano'ng meron tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN