Xian Lim on his feelings for Kim Chiu: "Every day naman nagbu-blossom."

Xian Lim elaborates on the meaning of the MMFF entry All You Need is Love, "What drives you every day, bakit ka ba gumigising? Bakit ka ba nagta-trabaho, it's your love for your family, for your girlfriend, for your wife. For my mom, for my lola, pag-ibig talaga ang driving force."


Ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim o KimXi ang isa sa mapapanood na love teams sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kabilang sila sa cast ng Star Cinema entry na All You Need Is Pag-ibig.

Napakatagal na ring magkasama nina Kim at Xian bilang magka-love team, kaya naman tuwing may proyekto sila ay inaabangan ng kanilang mga tagasuporta kung aamin na sila.

Sa presscon ng kanilang pelikula noong Martes, December 8, tinanong si Xian kung anong klaseng relationship mayroon sila ni Kim ngayon.

Tugon ng Kapamilya actor, "Every day naman nagbu-blossom."

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Kim sa presscon na "All I need is Xian"? May kilig ba?

Sagot ni Xian, "Siyempre, siyempre... palagi naman.

"Sabi ko nga kay Kim, noong ginagawa namin yung The Story Of Us...

“Tinanong ni Kim kung pareho pa rin yung nararamdaman or pareho pa rin ba noong ginagawa namin ang The Story of Us.

"Parang nadaanan lang ng usapan, parang curious lang.

“Sabi ko, ‘Siyempre, every time nakikita kita, mas dumadagdag pa yung nararamdaman ko sa 'yo.’

"Totoo, never siyang nagiging stagnant from when we worked with each other sa Binondo [Girl] pa lang.

“To the time na hindi na kami magka-partner, talagang every time."

Ang The Story of Us ang upcoming teleserye nina Xian at Kim sa ABS-CBN.

CHRISTMAS. Masasabi ba ni Xian na masaya ang Pasko niya ngayon, at ano naman ang masasabi niya kapag may nalulungkot sa Kapaskuhan?

Aniya, “There's always something to look forward to, hindi naman nila kailangang maging malungkot.

"Katulad ko, mahilig akong mag-emote. Lahat naman siguro tayo kung minsan may mga pinagdadaanan.

"Meron akong nabasa na kada araw, isusulat mo yung magagandang nangyayari sa 'yo.

“And you tend to neglect it, hindi mo sila nabibigyan ng pansin, ang nabibigyan ng pansin yung mga negative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, you feel the positive para palagi kang happy.

"And ngayong Pasko, siyempre dapat palaging pag-ibig nga.

"Katulad nitong pag-ibig na 'to, totoo 'yan, all you need is pag-ibig.

“Kasi, what drives you every day, bakit ka ba gumigising? Bakit ka ba nagtatrabaho?

“It's your love for your family, for your girlfriend, for your wife, for my mom, for my lola.

"Pag-ibig talaga ang driving force."

Sa All You Need is Pagibig, si Kim ang hindi makuha-kuha ni Xian.

"Si Kim po ang high school sweetheart ko rito, ang dami ko pong gustong sabihin sa kanya.

“Kumbaga, lahat nakuha ko sa buhay ko, pero siya lang ang hindi ko nakuha.

"Hanggang college, mahal na mahal ko po siya.

"Lahat nakuha ko, pero siya lang ang hindi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN