Maine Mendoza on Alden Richards: "He is a gentleman and funny... funny-walain!"

Napatunayan daw ni Maine Mendoza sa kanyang sarili na totoo ang sinasabi ng lahat na isa ngang gentleman si Alden Richards. Pahayag naman dito ng Pambansang Bae, “I have this sense na... kagaya po nung nasa Enchanted [Kingdom] kami last Saturday, I have this sense of being protective lang in terms of times like that. Yun nga po, being a gentleman is also part of protecting the girl. So, I’m just doing the right thing...”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap si Maine Mendoza sa napakaraming miyembro ng press para sa presscon ng una niyang pelikula.

Ito ay ang My Bebe Love (#KiligPaMore) na ginanap nitong Miyerkules ng gabi, December 9, sa The Circle Events Place, sa Timog Avenue cor. Quezon Avenue, Quezon City.

Kasama ni Maine sa presscon ang co-stars niyang sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, Valeen Montenegro, at siyempre pa ang kanyang ka-love team at kalahati ng AlDub—si Alden Richards.

Ito ang unang pagkakataong nakausap ng maraming entertainment press si Maine pagkalipas ng limang buwan niya sa showbiz.

Unang nakilala si Maine bilang Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!, kung saan nabuo ang phenomenal love team nila ni Alden.

Bagamat sinabi ni Maine na kinabahan siya nang kaunti sa unang pagharap niya sa isang malaking presscon, kumportableng-kumportable siya habang sinasagot ang lahat ng mga tanong ng press.

Pahayag niya, “Honestly po, kinakabahan po ako nang very light nung una, kasi first time nga po.

“Hindi ako sanay na humarap talaga sa maraming tao, kaya eto po.

“Feeling ko naman, carry naman, nawawala na yung kaba ko kasi nandito naman si... si Alden.”

GREAT EXPECTATIONS. Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden ay tinanong namin siya kung na-meet ba ang expectations niya tungkol kay Maine nang magkaroon na sila ng pagkakataong makilala ang isa’t isa.

Ayon sa Pambansang Bae, kung ano ang ini-expect niya ay iyon ang nakuha niya.

Read: Alden Richards says Maine Mendoza has met his expectations

Kaya sa presscon kahapon ay si Maine naman ang tinanong ng PEP kung na-meet ba ang expectations niya tungkol kay Alden.

Sagot ng 20-year-old newbie actress, “Actually, wala naman po akong expectations sa kanya.

“First impression ko kasi sa kanya is parang tahimik, alam mo yun, parang makulit din. Medyo pabebe rin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nagkakilala na kami, nung nag-meet na kami, ganun din naman po.

“So, masasabi ko na na-meet naman yung expectations ko talaga sa kanya.”

Hindi siya na-disappoint?

“Hindi po,” mabilis na sagot ni Maine.

ALDEN IS FUNNY... WALAIN! Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang bigyan ng permiso ni Lola Nidora (Wally Bayola) sina Alden at Yaya Dub na magkakilanlan at magkalapit.

Kaya ang tanong: Ano na ngayon ang pagkakakilala nila sa isa’t isa sa loob ng panahong iyon?

Ayon kay Maine, “Naku, Alden is a very gentleman person. As in, sobra!

“Kasi before pa, ang daming nagsasabi sa akin, ang daming nagkukuwento na gentleman nga daw si Alden.

“And napatunayan ko naman yun, kasi nagkatrabaho na po kami.”

Pero dagdag niya, “And funny siya... alam mo, funny-walain!”

Sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! kasi ay madalas magpalitan ng jokes at pick-up lines sina Alden at Maine; ganun din daw off camera.

Hindi ba corny si Alden?

Tugon ni Maine, “Witty siya...”

Hirit naman ni Alden, “Witty! Sabihin mo na, corny na, okay!”

Bawi ni Maine, “Hindi, may sense of humor din ‘yan. Nagsu-swak kami niyan, e.”

Si Alden naman, ano ang pagkakakilala niya ngayon kay Maine?

Saad ng 23-year-old Kapuso hunk, “Ganun din po. I feel the same way.

“And I have this sense na... kagaya po nung nasa Enchanted [Kingdom] kami last Saturday, I have this sense of being protective lang in terms of times like that.

“Yun nga po, being a gentleman is also part of protecting the girl.

“So, I’m just doing the right thing...”

TOUCHY-FEELY. Kapansin-pansin naman na kung noon ay mahigpit na ipinagbabawal ni Lola Nidora na magdikit o maghawakan sina Alden at Yaya Dub, ngayong pinayagan na sila ay medyo napapadalas yata ang yakapan at hawakan nila.

Biro namin sa dalawa, hindi kaya sumusobra naman yata sila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa naman agad ni Alden, “Hindi naman po! Dala lang ng excitement.”

Dagdag pa ni Maine, "Nadadala lang po kami sa mga eksena.”

Okay lang naman daw ito kay Maine.

Sabi ng tinaguriang Dubsmash Queen, “Okey naman po kasi kumportable na po kami, e.”

Dagdag ni Alden, “Pero si Lola pa rin po ang masusunod.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN