(UPDATED) Alden Richards and Maine Mendoza defend AlDub Nation over Twitter issue

Nagsalita na sa wakas sina Alden Richards at Maine Mendoza kaugnay ng isyung kinasangkutan ng direktor ng Pambansang Bae sa Sunday Pinasaya at ng singer-actress na si Julie Anne San Jose.


Ipinagtanggol nina Alden Richards at Maine Mendoza ang AlDub Nation, bansag sa hukbo ng kanilang mga tagahanga, kaugnay ng impresiyon na napaka-protective at possessive ng mga ito pagdating sa kanila.

Kapansin-pansin kasing kapag may nadadawit na ibang celebrities alinman kina Alden at Maine ay naba-bash ang mga ito sa social media.

Sa madaling-salita, ayaw ng maraming miyembro ng AlDub Nation na maugnay sa iba ang kanilang mga idolo.

Nito nga lamang linggo ay inulan ng batikos ang Sunday Pinasaya director na si Rich Ilustre at ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose dahil sa hindi pagkakaintindihan na nagsimula sa social media.

Nagsimula ang isyu tungkol sa isang katanungan ng isang fan sa Twitter kung girlfriend ba ni Alden sa totoong buhay si Julie Anne, na kasamahan ng Pambansang Bae sa Sunday Pinasaya at minsan na ring na-link sa kanya romantically.

Sa pakikipagpalitan ng mensahe ni Direk Rich sa kolumnistang si Allan Diones ay inamin niyang sumagot siya ng "yup" sa tanong.

Inaantok na raw kasi siya noong oras na iyon kaya ang basa niya sa "girlfriend" ay "friend."

Nang ma-realize daw niya ito ay agad niyang binura ang kanyang post, ngunit huli na ang lahat dahil nai-retweet na ito at kumalat na sa social media.

Isa pang pagkakamali ni Direk Rich ay aksidente raw niyang ni-like ang isang post na namba-bash kay Maine.

Dahil dito ay siya naman ang na-bash nang husto ng AlDub fans, kaya agad siyang nag-issue ng apology sa Twitter.

Read: Sunday Pinasaya director apologizes to AlDub Nation

GOOD VIBES. Sa grand press conference ng unang pelikula nina Alden at Maine bilang magka-love team, ang My Bebe Love (#KiligPaMore) nitong Miyerkules, December 9, ay kinuha ang kanilang pahayag tungkol sa pagkakadawit ng ibang tao dahil sa kanilang fans.

Pahayag ni Alden, “Well, it’s not being possessive naman, they’re just...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, parang nasaling lang sila, na-hurt yung feelings because of a rumor that’s not true.

“And siguro po, respect na lang din po sa mga taong involved, huwag na lang po natin silang pag-usapan, kasi wala naman po sila dito.”

Dagdag naman ni Maine, “Saka wala naman pong dapat pag-awayan. Kasi misunderstanding lang po yung mga nangyari...”

Sabi pa ni Alden, “Happy lang, good vibes lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN