Maine Mendoza unaffected by her superstardom

Maine Mendoza on phenomenal rise of her career: “Lahat po ng nangyayari ngayon, hindi pa po nagsi-sink in sa akin. Hindi ko po kasi siya iniisip, e, kaya po siguro ganun. Pero yun po, sobrang surreal yung mga nangyayari ngayon."


Walang duda na si Maine Mendoza ang fastest-rising star ngayong 2015.

Sa loob lamang ng limang buwan mula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz ay itinuturing na siyang superstar kung popularidad lang din naman ang pag-uusapan.

Mula nang madiskubre siya dahil sa kanyang Dubsmash videos, hanggang sa kunin siya ng Eat Bulaga! upang gumanap bilang Yaya Dub sa “Juan For All, All For Juan” segment, ngayon ay household name na siya at ang tambalan nila ni Alden Richards—ang AlDub.

Maliban dito, mayroon na siyang mahigit 15 endorsements (TV and print), magazine covers, at ngayon ay bida na rin siya sa pelikula.

Ito ay ang My Bebe Love (#KiligPaMore) na una rin nilang tambalan sa pelikula ni Alden; kung saan mga bida rin sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Kagabi, December 9, ay humarap si Maine sa napakaraming entertainment press sa unang pagkakataon dahil sa grand presscon ng kanilang pelikula.

Bagamat sinabi ni Maine na kinabahan siya nang kaunti sa unang pagharap niya sa isang malaking presscon, kumportableng-kumportable siya sa pagsagot ng mga tanong ng press.

Pahayag niya, “Honestly po, kinakabahan po ako nang very light nung una, kasi first time nga po.

“Hindi ako sanay na humarap talaga sa maraming tao, kaya eto po.

“Feeling ko naman, carry naman, nawawala na yung kaba ko kasi nandito naman si... si Alden.”

SURREAL. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa kanyang career, hindi pa rin daw makapaniwala si Maine.

Saad niya, “Lahat po ng nangyayari ngayon, hindi pa po nagsi-sink in sa akin.

“Hindi ko po kasi siya iniisip, e, kaya po siguro ganun.

“Pero yun po, sobrang surreal yung mga nangyayari ngayon.

“Kasi ang bilis po lahat ng pangyayari and sobrang daming blessings po na sina-shower sa amin, sa akin po, kay Alden, sa AlDub...

“Kaya sobrang thankful po ako.”

Saan man siyang magpunta ngayon ay talagang pinagkakaguluhan at halos lahat ay gustong magpa-picture sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nararamdaman ba ni Maine kung gaano na siya kasikat ngayon?

Sagot niya, "Hindi po... siguro nga po kasi, kagaya ng sabi ko, hindi ko kasi siya iniisip... ayoko rin po kasi siyang isipin."

Ano ang iniisip niya?

“Wala po.... ano ba ang nangyayari? Nasaan ba ako?” pakuwela niyang sagot.

So, hindi siya apektado sa kasikatan niya ngayon?

Sabi ni Maine, “Hindi po... ayoko rin po na mangyari yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN