Jodi Sta. Maria reveals secret of JodIan love team with Ian Veneracion

Jodi Sta. Maria advises the lovelorn this Christmas: "I think there's nothing wrong sa pagiging malungkot kasi all emotions are valid. It's something that we have to acknowledge. But I would also want to acknowledge that even in our sorrow, our pain is transitory."


Kinakikiligan ang tambalang Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion o JoDian sa ABS-CBN primetime series na Pangako Sa ‘Yo, kung saan gumaganap sila bilang Amor Powers at Eduardo Buenavista, respectively.

Sa presscon ng entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) na All You Need Is Pag-Ibig, sa Dolphy Theater, noong December 8, naitanong kay Jodi kung bakit ganun na lang ang naihahatid nilang kilig ni Ian sa mga manonood.

"Siguro lang dahil we enjoy working with each other.

"And I believe na, siguro, dahil doon, yung joy of working with each other, nata-translate siya sa ginagawa namin.

"Pero never naman naming inisip!

"Di ba nga, yun ang lagi naming dini-discuss?

"Sabi ko, love team, parang pang-bata na yun.

"Di ba, kapag love team, parang mga teeny bopper?

"Kaya sabi ko, yung sa amin, partnership."

Sa All You Need Is Pag-ibig ay pinagtambal ulit sina Jodi at Ian.

Ayon kay Jodi, ibang-iba ang mapapanood sa kanila rito ni Ian kumpara sa Pangako Sa 'Yo.


"Siguro mas light siya kumpara sa napapanood nila tuwing gabi.

"And yung story kasi namin ni Ian dito, parang he's just trying to move on from a broken heart.

"Boss ko kasi siya. Tapos ako, parang may longtime crush sa kanya. Pero alam kong nandoon lang yun.

"Never ko namang ini-expect na mag-level up or anything."

Nakikita rin ba niyang parang sobrang guwapo ni Ian ngayon at heartthrob ang dating?

Nakangiting sagot ni Jodi, "Nag-mall show kami two weeks ago...

"Sabi ko nga, naa-appreciate ko yung kanyang kagandahan bilang lalaki."

POWER OF LOVE. Naniniwala ba si Jodi sa titulo ng pelikula nila na All You Need Is Pag-ibig?

Tugon niya, “Kasi po, I believe, di ba, love really covers all multitudes of sin?

"It is parang the source of everything we do.

"Kung may mga bagay na motivated by love, then everything will not be or magiging mahirap for us, but magagawa natin siya nang magaan, masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, that's what I believe in."

Ano ang maipapayo niya sa mga taong malungkot ang Pasko?

Tugon ng aktres, "I think there's nothing wrong sa pagiging malungkot kasi all emotions are valid.

"It's something that we have to acknowledge.

"But I would also want to acknowledge that even in our sorrow, our pain is transitory. They're not permanent.

"It's something na lilipas din and we have to help ourselves also to move on from that.

"So, kailangan din tulungan natin ang mga sarili natin.

"Every pain and every sorrow that we feel, meron silang purpose. Yun lang.

"I believe that we should always surround ourselves with people that lift our spirits and we should always pray to the Lord.

"Never stop praying in all circumstances and give thanks and be grateful."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN