Gerald Anderson happy to be on good terms with ex-girlfriends Kim Chiu and Maja Salvador

Gerald no regrets about past relationships: ““Ayoko mag-dwell sa [past]. Just learn from my mistakes, yun. Sana, sa kung kailan man yun [next relationship], I can be a better partner.”


Ayon kay Gerald Anderson, bukas siya sa posibilidad na magbalik-tambalan sila ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu sa 2016.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Hindi ko naman po hawak yun, but why not?

“Ang dami pong fans na naghihintay.

“And you know, it would be a reunion.

“Kung maganda ang project and kung gusto namin pareho, I mean, why not?

“Trabaho yun. At marami po kaming mapapasaya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa kanyang presscon para sa episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya, na ginanap sa Star Creatives office ngayong Huwebes, December 10.

Ayon kay Gerald, gagampanan niya ang true-to-life story ni Bert Mendoza, isang 33-year-old high school teacher na may sakit na X-linked Dystonia Parkinsonism (XDP) o Lubag Syndrome, isang uri ng neurological movement disorder.

Naikuwento rin ng Star Magic artist na personal niyang nakilala si Bert na isa umanong solid Kapamilya fan.

Dito nabuking si Gerald na pahapyaw nilang napag-usapan ni Bert ang dating ka-love team ng aktor na si Kim.

Paborito raw kasi ni Bert ang tambalang Kimerald (Kim and Gerald).

Natatawang pag-amin ni Gerald nang usisain ng press ukol dito, “Si Kim daw ang gusto niya.”

Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nila ng dating nobya, iginiit ni Gerald na maayos na ang lahat sa kanila ngayon ni Kim.

“Oo naman po. Matagal na po.

“Tulad ng sinabi ng tatay ko, everything will work out in time.

“So, ganun. Huwag tayo mag-alala.”

Bagamat hindi sila umamim noong naging sila, si Gerald ang maituturing na first boyfriend ni Kim hanggang sa mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon noong 2010.

Read: Kim Chiu confirms Gerald Anderson cheated on her

ON MAJA SALVADOR. Kung saka-sakali, bukas din umano si Gerald na makatrabaho ang isa pang dating nobya niyang si Maja.

Aniya, “Kahit sino po puwede rin. Isa siya sa pinakamagaling na artista sa generation natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nauwi sa hiwalayan ang dalawang taong relasyon nina Gerald at Maja bandang Marso ngayong taon.

Gayunman, siniguro ni Gerald na maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Maja ngayon.

“May communication naman kami, pero hindi naman kami masyadong nag-uusap.”

Single ang relationship status ngayon ni Gerald.

Tingin ba niya ay mas mabuti ang manatiling single muna siya para iwas-kontrobersiya?

Sagot ni Gerald, “Hindi naman. Hindi lang po kasi nag-work, e.

“Ayoko mag-dwell sa [past]. Just learn from my mistakes, yun.

“Sana, sa kung kailan man yun [next relationship], I can be a better partner.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN