Ai-Ai delas Alas thankful to Vic Sotto for not abandoning her during lowest moments in her career

Ai-Ai delas Alas on career lows: “Yun yung grabe siya! Siyempre masyado akong thankful and doon ko napatunayan na God is great, kung gaano Niya tayo lahat kamahal. Ako bilang isang anak Niya na nanalig, humingi ng tulong sa Kanya, at nag-blood compact kami na kung ibabalik Niya ba ako sa showbiz o hindi, e nagawa naman Niya. And again, praise God, and to God be the glory.”


Naging emosyunal ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas nang mausisa siya sa grand presscon ng pinagbibidahang pelikula na My Bebe Love: Kilig Pa More tungkol sa pinagdaanan niyang “lowest moment” sa kanyang career at buhay noong 2014.

“Yun yung grabe siya!

"Siyempre masyado akong thankful and doon ko napatunayan na God is great, kung gaano Niya tayo lahat kamahal.

"Ako, bilang isang anak Niya na nanalig, humingi ng tulong sa Kanya, at nag-blood compact kami na kung ibabalik Niya ba ako sa showbiz o hindi, e nagawa naman Niya.

"And again, praise God, and to God be the glory,” napaluhang sabi ni Ai-Ai.

Pagkatapos ng presscon proper ng My Bebe Love noong Miyerkules, Disyembre 9, sa The Circle Events Place, sa Timog Avenue, Quezon City, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng detalye si Ai-Ai tungkol sa pinagdaanan niyang mga pagsubok noong isang taon.

Kuwento niya, “Last year hindi ako kasali, e, sa Metro Manila Filmfest [MMFF]. Two years or three years akong hindi kasali.

"Hindi ako pinayagan noon, e [ng Star Cinema]. Dapat yung Ryzza [Mae Dizon], kami iyon, e.

“Si Ryzza, ako, si Bossing [Vic Sotto]. Hindi ako pinayagan.

"Una muna yung Enteng ng Ina Mo, hindi natuloy yung part 2.

"Then, nung nagpaalam ako na mag-ano kami ni Bossing kasama si Ryzza, hindi rin ako pinayagan.

"And finally, ngayon pinayagan na ako.

“Yung mabigat is alam n’yo naman na dumaan ako sa lows ng career ko.

"Iyon yung hindi niya [Vic] ako iniwan, kasi parati kaming nagte-text.

"Ako yung nagsasabi ng mga problema ko sa kanya. Pinapayuhan niya ako.

"So, never niya akong iniwan, totoo iyon.”

Lalong naging emosyonal si Ai-Ai nang sabihin ni Vic, “Kahit anong mangyari, hindi ko iiwanan ito. E, sabit nang sabit, e.

"Alam mo naman si Ai-Ai, eto lang ang kaisa-isa kong ka-love team sa pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi tuloy ni Ai-Ai habang umiiyak, “Totoo po. Never akong iniwan ni Bossing [Vic] kahit noon-noon pa.

"Nandoon pa ako sa kabila [ABS-CBN]. Kahit sa text, never niya ako iniwan. Hindi niya ako inabandona.”

Dagdag ni Vic, “Kami ni Ai-Ai, we have a special bond, e. Matagal na, e. Matagal na matagal na.

“So, kahit hindi kami nagkakausap, kahit minsang mag-text, e, nandoon yung pagtitinginan namin.

"Kaya naman noong muling dumating yung panahon na puwede kaming magkasama ulit, e, hindi na namin pinalusot itong pagkakataon na ito.

“At sa kagandahang palad naman, e, kasama pa namin si Alden [Richards] at saka si Maine [Mendoza], si Valeen [Montenegro], and the rest of the cast, with a good director like Direk Joey Reyes.

"Ako’y naniniwala, when you do good things, good things will happen talaga, katulad nitong My Bebe Love: Kilig Pa More.”


REUNION MOVIE. Masayang-masaya si Ai-Ai sa kanilang balik-tambalan ni Vic sa My Bebe Love: Kilig Pa More, MMFF entry ng OctoArts Films, M-Zet Television Productions, APT Entertainment, GMA Films at MEDA Production.

Huling nagsama sina Ai-Ai at Vic sa MMFF top grosser noong 2011, ang Enteng ng Ina Mo.

Saad ni Ai-Ai, “Okay naman na magkasama kami ni Bossing ulit.

"Looking forward talaga ako kasi sabi nga ni Bossing, tatlong taon kaming naghintay para magkasama kami ulit.

"Eto na yung tamang panahon. So, maganda na magkasama kami ulit.

"Happy ako kasi matagal itong naudlot."

Ano ang reaksiyon nila sa mga nagsasabi at naniniwala na ang pelikula nila ang magiging number sa takilya sa MMFF?

Tugon ni Ai-Ai, “Siyempre po masaya yung feeling na pine-predict nila na number one kayo.

"Pero sinabi ko nga kay God, ‘Bahala Ka na sa buhay namin. Ikaw naman talaga ang number one.'

"Nananalig ako at sa pananaw ko, ibibigay Niya na number one kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MORE ON BOSSING. Ano ang papel ni Ai-Ai sa nalalapit na kasal ni Vic kay Pauleen Luna?

“Guest. Pupunta ako doon bilang bisita,” sagot ni Ai-Ai.

Ramdam ba niya ngayon na mas kilig pa more si Bossing?

“Oo, kasi alam mo yung mga biro-biro ni Bossing na mabait siya, totoo iyon. Mabait talaga siya.

"Hindi mo siya makikitaan ng mga ka-negative-an e. Parang lahat todo-pasa lang.

“Kunwari may problema, gaganun agad si Bossing, ‘Okay lang iyan. Huwag na nating pansinin.’

"Napakagaan ng personality.

"Nakita niyo naman, napaiyak ako kanina.

"Kasi totoo iyon, hindi talaga niya ako iniwan."


THANKFUL TO FANS. Nagpapasalamat din si Ai-Ai sa kanyang loyal supporters.

“Masaya ako siyempre, and thankful na hanggang ngayon sinusuportahan pa rin ako ng mga faney ko, na nandiyan pa rin through the years, na hindi ako iniwan, kung sino man ang mga iyon.

“Ramdam ko naman kasi siguro, modesty aside and with God’s grace, e, lahat naman ng sinasalihan kong shows, e, top-rated naman siya.

"So, I guess, mayroon pa rin naman mga taong sumusuporta sa akin.”

Masasabi ba ni Ai-Ai na on top of her game na ulit siya ngayon?

Tugon niya, “Siguro ngayon at least masasabi ko na steady na iyong nararamdaman ko.

"Hindi na ako iyong sa Tagalog yung agam-agam, kung ano yung gagawin ko. Gusto ko pa ba o ayaw ko pa?

“Ngayon kasi binigyan ako ni Lord ng chance na, ‘Anak, kailangang gawin mo ito. Ito ang ibinigay ko sa iyo, e. Ipagpatuloy mo pa.’

"So, parang may go signal ako sa Kanya na, ‘A, ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aartista ko.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN