Carla Abellana on Tom Rodriguez-Cai Cortez sexual encounter: “It’s something that I have nothing to do with.”

Ayon sa Kapuso star na si Carla Abellana, bahagi na ng nakaraan ng rumored boyfriend na si Tom Rodriguez ang diumano’y sexual encounter nito kay Cai Cortez. Ayaw raw niyang ungkatin pa ito. “Parang ano… hindi na dapat inuungkat pa. Tapos na yun, parang past is past.”


Naglakas-loob ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na itanong sa Kapuso actress na si Carla Abellana ang tungkol sa kinasangkutang isyu ng rumored boyfriend niyang si Tom Rodriguez at ng kaibigang si Cai Cortez.

Ito ay kaugnay ng naging rebelasyon ni Cai na may nangyari sa kanila noon ni Tom, at "well-endowed" ang Kapuso actor.

Read: Cai Cortez reveals sexual encounter with Tom Rodriguez, other male celebrities

Bago nito, nagpasintabi muna kami kay Carla na baka maka-offend ito o ayaw niyang sagutin.

Nakangiting sabi niya, “Anong intriga? Maraming intriga, e.”

Nang sinabi namin na ito ay tungkol kina Tom at Cai, sagot ng aktres, “A, nabalitaan ko 'yan nung presscon ng Because of You.

"Honestly, I don’t know so much about it talaga dahil hindi na ako yung…

"Kasi ako naman, kapag may naririnig, hindi naman ako yung type na uuwi tapos iri-research ko siya, e.

“Pero yun, lagi namang may nababalitaang iba-ibang tsismis na dadating at dadating.

"Pero, with this particular one, ang napansin ko lang kasi, it's… kumbaga, out na ako dun.

“Parang, I mean, sa kanila na yun, that’s between the two of them.

"Hindi naman ako involved. Tsaka, you know, it’s something that I have nothing to do with.

“Past na yun, so parang wala ako dun.”

Nasaktan ba siya nung nakarating sa kanya ang balita?

Sagot ni Carla, “Hindi naman. Hindi naman...

"Kasi, you know, ano yun, e, past nila 'yan, e.

"Parang ano… hindi na dapat inuungkat pa. Tapos na yun, parang past is past.

“You don’t judge a person based on his past.”

Nakausap ng PEP at ilan pang miyembro ng media si Carla sa launching ng bagong endorsement nitong Vita-E, nitong Huwebes, December 10, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.


NO BAD BLOOD WITH CAI. Ibinahagi rin na Carla na ilang beses na silang nagkatrabaho ng anak ng character actor na si Rez Cortez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Napakabait na tao, napakasarap katrabaho, kengkoy talaga siya sa totoong buhay.

“So, I have ano... I have much respect to her.”

May balita namang in-unfriend daw niya ito sa Facebook. Totoo ba ito?

Paglilinaw ni Carla, “Friend ko siya, friend ko siya sa Facebook.

"Kailan lang nag-comment pa ako sa picture ng bulldog niya sa Instagram.

“Hindi totoo.”

Ano ang gagawin niya kapag nagkita sila ni Cai?

“I’m sure in the future baka magkatrabaho pa nga kami, eventually.

"Okay lang, I don’t mind.

"Kasi, you know, pareho kaming nasa industriya, pareho kaming artista.

“Who knows, baka magkatrabaho kami ulit.

"Like with Tom, that’s also part of her past naman din na, you know, na wala naman akong magagawa doon."

NOT ASKING TOM. At one point ba, simula nang lumabas ang balita, inusisa niya si Tom tungkol dito?

Tugon ni Carla, “Hindi na, kasi parang ano, e, in a way, binubuksan mo lang ulit yung topic.

"Babalikan mo rin lang yung past. Parang, tapos na yun, e."

Sabi pa ng Karelasyon host, dapat maging open-minded sa mga bagay na ganito ang isang tao.

“Dapat maging open-minded lang tsaka parang, in a way, na alam mong kapag ginawa mo lang siyang isyu, pinalaki mo lang or ibabalik mo lang, waste of time honestly talaga na ibi-bring up mo pa ulit, e.

“So, di ba? Ang importante, yung today.”

Pero "gifted" ba talaga si Tom?

Natatawang sagot ni Carla, “Aba, e, malay ko!”

Ngayong magtatapos na ang 2015, mabibigyan na ba nila ng label ang relasyon nila?

Aniya, “Oo nga, e. Sana, tingnan natin bago matapos ang taon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN