Ai-Ai delas Alas admires AlDub’s professionalism: “Nakakabilib kasi hindi mo naman sila makikitaan na pagod sila.”

Ai-Ai delas Alas on Alden Richards and Maine Mendoza's closeness: "Alam mo kasi ang AlDub, minsan may sariling mundo, e. And sila lang ang nakakaalam. Minsan, tingnan mo, nagsesenyasan sila. Hindi namin alam kung ano iyon. So, I think napaka-close nila."


Bilib si Ai-Ai delas Alas sa kasikatan ng AlDub, ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub.

Hanga rin daw si Ai-Ai sa professionalism nila sa trabaho.

Saad ng Comedy Queen, "Nakakabilib kasi hindi mo naman sila makikitaan na pagod sila, although alam naman natin na sa kasikatan nila ngayon, halos hindi na natutulog ang mga bagets.

“Pero hindi mo naman sila makikitaan ng ganun, lalong-lalo na si Alden.

"Mas close kasi ako kay Alden kasi siya yung kaeksena ko, e. Hindi pa kami nagkakaeksena ni Maine.

“And kasali siya [Alden] sa Sunday PinaSaya, and sa GMA Pinoy TV.

"Sa abroad, siya pa rin yung kasama ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai noong Miyerkules, Disyembre 9, sa grand presscon ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na My Bebe Love (#KiligPa More) sa The Circle Events Place, sa Timog Avenue, Quezon City.

Leading man ni Ai-Ai si Vic Sotto sa pelikula, kung saan kasama din sina Alden at Maine.

MONTHSARY JOKE. Sa presscon proper, biniro ni Ai-Ai sina Alden at Maine tungkol sa umano’y monthsary nila.

Nakapagbiro ba si Ai-Ai nang ganito dahil may alam siyang bagay na hindi inaamin ng AlDub?

“Hindi, niloloko ko lang sila.

"Kasi pag ganung niloloko sila, nagte-trending, naloloka sila.

"Kaso, pag masyadong personal, hindi ko na sinasabi."

Wala bang ire-reveal si Ai-Ai tungkol kina Alden at Maine?

Sagot niya, “Alam mo kasi ang AlDub, minsan may sariling mundo, e. And sila lang ang nakakaalam.

“Minsan, tingnan mo, nagsesenyasan sila. Hindi namin alam kung ano iyon.

"So, I think napaka-close nila.

“Mayroon silang language na hindi natin alam. So, iyon ang maganda.

"Mayroon silang lengguwahe na hindi natin nalalaman. Sila lang ang nakakaintindi.

“So, siguro nakakatuwa iyon for AlDub Nation, doon sa mga tagasuporta nila."

Kinikilig ba siya kapag nakikita niya ang AlDub na ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, happy ako sa kanila kasi nakakakilig naman talaga sila, e, especially sa Kalyeserye,” sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN