Vic Sotto squeezes wedding preparations amid movie promo

Vic Sotto is lucky in all aspects of his life—family, career, love life. He comments, “God is good, things have been doing good for everyone. Hindi lang naman ako, for the family, for my friends, sa ating lahat. "


Isa na siguro sa pinakasuwerteng nilalang sa buong mundo si Vic Sotto.

Matatag ang karera niya sa telebisyon, box-office hits ang kanyang mga pelikulang, at may panibagong kabanata sa buhay niya ang papasukan niya sa susunod na taon.

Ito ay ang pagpapakasal niya sa Kapuso actress-TV host na si Pauleen Luna sa darating na January 2016.

Pahayag ni Vic tungkol dito, “God is good, things have been doing good for everyone.

"Hindi lang naman ako, for the family, for my friends, sa ating lahat.

“Sabi ko nga kanina, basta gumagawa ka nang mabuti, maraming mabuting mangyayari sa iyo.”

WEDDING PREPARATIONS. Ngayong kasagsagan na ng promo ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang My Bebe Love (#KiligPaMore), may panahon pa kayang tumutok si Vic sa preparasyon sa kasal nila ni Pauleen?

Tugon ng comedian-TV host, “Si Pauleen ang nakatutok doon, kanya-kanya kaming trabaho.

“Dito ako sa pelikula at sana naman ay sa… may sarili kaming pelikula, e.”

Bagamat hindi nakatutok, may partisipasyon din naman daw si Vic.

“Of course, lahat naman for approval, dumadaan naman sa akin.”

Magkaka-baby ba agad sila ni Pauleen next year?

Tugon ni Vic, “We’ll just wait for that blessing, in God’s time.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic matapos ang presscon proper ng nasabing pelikula niya nitong nakaraang Miyerkules, December 9, na ginanap sa The Circle Events Place, sa Timog Avenue, Quezon City.


NO PRESSURE. Patuloy na sinasabi ni Vic Sotto na wala siyang nararamdamang pressure na kailangang pumatok sa takilya ang My Bebe Love.

Bukod kasi sa AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na may malaking hatak sa tao, nakadagdag pa ang pagtatambal nina Vic at Ai-Ai delas Alas.

Komento ni Vic, “Walang pressure sa aking part kasi hindi namin iniisip yun, ang iniisip namin ay sana magustuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’m confident na magugustuhan ng ating manonood ng pelikulang Pilipino ang aming pelikula.

“At kung sinasabi nila na magna-number one, no pressure, pero tatanggapin ko, anytime.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN