Vic Sotto to join campaign sorties of son Vico

Vic Sotto gives full blessing to the polical aspiration of his son with Coney Reyes: "Kasi maliit pa lang siya, he's always been interested in public service and working for the government... he's very sincere... he really wants to make a difference."


Isa pang miyembro ng pamilyang Sotto ang papasok sa pulitika alinsunod sa yapak na tinahak ni Senator Tito Sotto.

Ito ay ang anak ni Vic Sotto kay Coney Reyes na si Vico Sotto, na tatakbong city councilor sa District 1 sa Pasig City.

Saad ni Vic, ??Yes, he??s running as councilor.

"As a matter of fact, noong mag-usap kami, gusto niya, e.

??Maliit pa lang siya, gusto na niyang magtrabaho sa government, and I think this is the right time.

??Marami na siyang alam sa batas, he really wants to make a difference sa ating current political situation.??

Matagal nang nababalitang tatakbo bilang mayor ng Quezon City si Vic, bagay na itinatanggi ng Eat Bulaga! host.

Ang kanya palang anak ang tatakbo sa pulitika na inaayawan niya.

Sabi ni Vic, ??Hindi ko linya talaga, e, siguro eto na talaga yung magtutuloy.

"Bukod sa aking kapatid at mga pamangkin ko, si Gian, Wahu, Lala [mga anak ni Tito Sotto], on my part, eto naman si Vico.

??Kasi maliit pa lang siya, he??s always been interested in public service and working for the government.

??As a matter of fact, he??s working for [an] NGO of Ateneo na namamahagi ng bagay-bagay na patungkol sa good governance.

??Nag-iikot siya sa buong Pilipinas, at the same time, nag-iikot din siya sa Pasig sa District 1.??

ALL-OUT SUPPORT. Nakaiwas man si Vico sa showbiz, pero sasabak naman ito sa siraan o intrigahan sa pulitika.

Wala bang pag-aalangan si Vic sa papasuking mundo ng anak?

Sagot niya, ??He knows that, he??s very aware of that.

"Kaya nga gusto niyang pasukin para makatulong siya sa paglilinis.

??If you read his blogs, if you read yung mga Twitter niya, malalaman mong he??s very sincere.

??And sabi ko nga, he really wants to make a difference.??

Magiging all-out daw ang suporta ni Vic kay Vico gaya ng pagsama sa campaign sorties ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Of course, all-out support ako kasi I believe in his advocacy.

??Kami ng mama niya, all-out support sa kanya.

"Hindi lang kami ni Coney, ang buong pamilya niya, family ko, all-out kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN