Ai-Ai delas Alas on marrying boyfriend Gerald Sibayan: "Naghihintay lang ako ng tamang panahon para diyan."

Ai-Ai delas Alas says she's sure and ready to get married; her boyfriend Gerald Sibayan, on the other hand, "Ang kanya lang gusto, stable siya; mature ang pag-iisip, e. Ang parati niyang iniisip, ‘Anong ipapakain ko kay Martina?’


Dalawang taon na ang itinatakbo ng relasyon ni Ai-Ai delas Alas at ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan.

Pero inamin ng Comedy Queen na matagal din niyang itinago ang kanyang love life sa publiko.

“Kasi ayaw ko nga ng maingay at magulo, so magugulat ka nga na magtu-two years na,” paliwanag niya.

So, posible nang dumating ang relasyon nila ni Gerald, 22, sa mas secure na sitwasyon, gaya ng pagpapakasal?

Sagot ng 51-year-old actress, “Oo, puwede na, ika-third year, puwede na.

“Naghihintay lang ako ng tamang panahon para diyan.

“Or kung ano yung tinadhanang panahon para sa aming dalawa...

"Alam naman natin na bata pa si Gerald. Pero hindi naman sa edad yun.

"Ang kanya lang gusto, stable siya.

"Mature ang pag-iisip, e.

“Ang parati niyang iniisip, ‘Anong ipapakain ko kay Martina [totoong pangalan ni Ai-Ai]?’"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa presscon ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na My Bebe Love noong December 9.

NOT ONLY LOVE. Hindi pa ba sapat ang pag-ibig niya? Puwede naman niyang i-share ang kanyang blessings sa kanilang pagsasama?

Paliwanag ni Ai-Ai, “Hindi naman puwedeng ganun yun.

“Hindi naman ibig sabihin na mas kumikita ako sa kanya, hindi na niya ako bubuhayin.

“Siyempre, bilang padre de familia, masarap pa rin na siya ang bumubuhay sa akin, yun ang iniisip niya.

“After nga ng graduation niya, napag-usapan namin na parang gusto pa niyang mag-aral uli.

"Magaling sa Math yun, e.

“Hindi ko alam kung banking or finance, basta magaling yun sa Math, so gusto niyang magnegosyo.”

Ilang negosyo na ang pinasok ni Ai-Ai pero lagi itong nagsasara, kaya parang nakikita niyang puwedeng si Gerald ang makatuwang niya sa parteng ito.

Saad niya, “Hindi naman kasi ako hands-on sa negosyo. Eto si Sancho, [anak ni Ai-Ai], may restaurant.

“Pero iba pa rin yung sa aming dalawa [ni Gerald].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I think yun ang unang gagawin niya kaya gusto niyang mag-aral ng finance."


FAMILY BLESSING. Wala pa raw nababanggit sina Ai-Ai at Gerald sa mga magulang ng huli tungkol sa planong kasal.

“Hindi pa, hindi pa naman, kami pa lang naman yun.

“Pag sure na sure na siya, doon na... sure naman na ako.

“Sabi kasi ng friend kong pari sa amin, hindi ito about sa aming dalawa.

“In case na ang dalawang taong magpapakasal, even one percent na may doubt, no.

“So, dapat buung-buo ang loob mo, walang duda, even one percent.”

Humarap na ba sila ni Gerald sa counseling?

“Hindi, sinasabi lang ng pari… nakukuwento lang yung nangyari sa iba’t ibang parishioner niya, dapat daw ganun talaga.”

Hindi ba nai-intimidate si Gerald sa pagiging malaki niyang artista, sa kasikatan niya?

Sabi ni Ai-Ai, “No, sabi nga niya, matinong pamilya naman sila.

"Kung hindi raw siya tiga-La Salle, hindi naman daw niya ako liligawan, e.

“At least, meron daw siyang maipagmamalaki sa mga tao na meron rin naman siyang sinabi, graduate siya ng La Salle.

“Hindi rin naman sila mahirap, hindi rin naman sila mayaman… tama lang.”

Sa dating pinakasalang lalaki ni Ai-Ai, sinabi niyang tinanggap daw ito ng kanyang pamilya, pero lumabas na hindi pala nang maghiwalay sila.

Sa kaso ni Gerald?

“Ay, tanggap na tanggap nila ito… walang ano ito,” mabilis na sagot ni Ai-Ai.

Dagdag niya, “Saka ang mga anak ko naman, kung saan ako masaya, ayaw lang nila yung masasaktan ako.

“Doon sila bumababu [umaalis], doon sila nakikialam pag nasasaktan na ako or hindi na nila gusto yung nakikita nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN