Carla Abellana firm in her endorsement of Mar Roxas for President

Carla Abella says she has anticipated the onslaught of bashers with her endorsement of Mar Roxas. "Mayroon talagang magagalit... even possibly your friends, fans, followers. It’s a free country, choice nila iyon. Hindi naman po kami namimilit na si Secretary Mar ang piliin nila."


Ini-expect na raw ni Carla Abellana na may mga babatikos sa kanya dahil sa pag-eendorso niya sa kandidatura ng presidentiable na si Mar Roxas para sa 2016 elections.

Lumabas na ang videos at paid advertisements ni Roxas, kung saan kasama ni Carla ang ilang celebrities na nag-i-interview sa kandidato.

Ito ay sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Billy Crawford, at Boy Abunda.

Tanda ito ng pag-endorso nila sa kandidatura ni Roxas.

Paliwanag ni Carla, “It’s part of the decision, not just choosing a particular candidate.

"It’s also part of your decision na ieendorso mo siya.

“Kumbaga, bago pa ho kami nag-decide, pinag-isipan na ho namin nang mabuti iyan.

“Alam namin na part talaga iyan [bashers]… not everybody will be happy, mayroon talagang magagalit.

“In fact, even possibly your friends, fans, followers, yung mga ganun.

“Basta it’s part of the risk po talaga sa pag-endorso ng isang candidate.

"But then again, you know, it’s a free country, nasa sa kanila naman po iyon, choice nila iyon.

“Hindi naman po kami namimilit na necessarily si Secretary Mar ang piliin nila.

“Ultimately, may choice pa naman talaga po sila; part talaga iyon na mayroon po talagang hindi magiging masaya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa presscon ng iniendorso niyang Vita-E Softgel Capsule Vitamin, na produkto ng ATC Healthcare International Corporation.

Ginanap ang presscon sa function room ng Hotel Novotel sa Cubao, Quezon City, noong Huwebes, Disyembre 10.

Isinagawa rin dito ang contract signing ni Carla kasama ang ATC Healthcare executives, ang CEO na si Derick Wong at ang marketing manager na si Louie Albert.

Nagpapasalamat nga si Carla sa ATC dahil hindi naging isyu sa executives nito ang pag-endorso niya kay Roxas.


WHY ROXAS? Ipinaliwanag ni Carla kung bakit choice niya si Mar Roxas for the presidency.

“Wow, many reasons, I can give you a lot of reasons why.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una, he’s best qualified.

"Kung track record ang pagbabasehan, he’s best qualified.

“He’s the most experienced and nakita ko, ultimately, he is a man of integrity and character.

“Iyon yun, e, importante na hindi ka lang matalino o masipag, importante rin na may puso ka.

“May integrity ka, honest ka... iyon ang pinakaimportante.”

Yun nga lang, may mag-iisip na binayaran lang siya ng talent fee kaya nag-eendorso siya, hindi dahil bilib talaga siya kay Roxas.

Diin ni Carla, “I believe in him, kahit ano pang masasakit na salita yung ibato sa akin, paninindigan ko yung decision ko.

“Siya yung pinili ko among all the candidates kasi, fortunately, may maliliit na opportunities na nakakausap ko siya outside of work.

“Nakikilala ko siya, nakikita ko siya, nakakausap ko siya sa small group, very intimate lang, kami-kami lang.

“Doon mo siya naririnig kung ano iyong… what he has to say, what his plans are, yung mga ganun.

“I am endorsing him base sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi base sa mga napapanood ko or nababasa ko about him.

“Suwerte ako na nakikilala ko siya off-cam or outside of work, so nakikita ko na he really is a good person.

“Someone na magiging proud ka, parang ganun, nakaka-proud.”

Base sa pagkakakilala niya kay Roxas, paano niya ilalarawan ito sa isang salita lang?

“Hindi siya adjective ang pagkaka-describe… integrity. Man of integrity, yun na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN