Vice Ganda finds JaDine love team intriguing: "Alam mong hindi sila, pero bakit kinikilig ako?"

Vice Ganda explains why it's impossible for him to hook up with fellow artists, "Marami akong nakilalang bet ko ’tapos noong naging barkada mo, nawala na... baka mawala ang respeto sa ‘yo... hanggang ngayon, yung ibang barkada kong artista. Nagsimula rin na bet ko… hanggang naging super close, hindi na.”


Katulad din ng iba, inamin ni Vice Ganda na kahit siya ay kinikilig sa tambalang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre na kasama nila ni Coco Martin sa Beauty and the Bestie.

Entry sa Metro Manila Film Festival 2015 ang pelikula under Star Cinema at Viva Films.

Sabi nga ni Vice, “Nakakabilib, kasi alam mong hindi sila, pero bakit kinikilig ako?

“Dumating pa ako sa punto na habang magkaeksena kami, pini-piture-an ko silang dalawa nang palihim.

"Kinikilig akong talaga ‘tapos may line akong sasabihin, nakalimutan ko kasi pinapanood ko silang naghahalikan.

“Ang sarap nilang panoorin, nakakakilig; ang guwapo ni James Reid, ang ganda ni Nadine.

“Ang ganda nilang tingnan na mag-nose to nose at lips to lips na alam kong wala naman silang dalawa.

“Sobrang amazing,” masayang sabi ni Vice sa presscon ng Beauty and the Bestie na ginanap kahapon ng Huwebes, December 10, sa 9501 Restaurant.

WORK BUDDIES. Natupad na ang pagsasama nina Vice at Coco sa isang pelikula, kumusta naman?

“Fulfilling, sobrang fulfilling to be working with my best friend.

“To be working with the artist you consider as the most talented artist in the Philippines right now, it’s a fulfilling experience.”

Dati, parang ayaw nilang magkasama sa isang proyekto?

“E, kasi natatakot kami na baka mag-away kaming dalawa, iniiwasan namin yun.

“Gusto namin na yung relasyon namin na hindi showbiz, gusto naming manatili.

“Kaya ayaw namin na showbiz ang maging dahilan ng pagkakasira o pagkakatampuhan.

“Kasi nagkatampuhan na kami dati dahil sa showbiz rin, dahil sa guesting.

“Pero ngayon, na-realize na rin namin na we can work best together pala, masyado lang naming pinangunahan ng takot.

“Takot ako sa kanya, siya rin natatakot din siya na baka magkatalakan kaming dalawa.”

Mas marami na siyang ibinabahaging sikreto kay Coco ngayon?

“Naku, mas nagkukubli nga ako sa kanya ngayon, matapang kasi ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BESTIE FOR REAL. Parang true-to-life din ang titulo ng MMFF movie nila dahil mag-bestie o malapit na magkaibigan sina Vice at at Coco sa totoong buhay.

Waiter pa lang daw si Coco sa Max’s Restaurant, kilala na niya.

“Nasa Max’s pa lang siya, nasa comedy bar ako. siguro 2000, 2001 pa lang,” lahad ni Vice.

Bilang isang bading, hindi siya nagkaroon ng pagnanasa kay Coco?

“Nagsimulang meron,” pag-amin ni Vice, “kasi nagsimula nga kami sa Max’s, hindi kami magkakilala.

“Christmas Party ng Max’s, ako ang nag-perform.

“Habang nagpi-perform ako, siyempre kukuha kami ng lalaki, haharutin namin.

“Naghanap ako kung sino ang pinakaguwapo rito, siya ang tinuro ng ibang staff ‘tapos ayaw niyang sumama.

“Ako, parang, 'Ang KJ [killjoy] naman nito ayaw sumama porke’t ang guwapo.'

“Noong nakita ko siya, 'Ay ang guwapo nga, ito ang bet ko,' chu-chu-chu, dadalhin ko sa stage.

“Pero napalitan agad ng bwiset; nabwiset ako sa kanya ’tapos siya rin, isinumpa niya ‘ko.

“Sabi niya, ‘Kapag nakita ko ‘to sa labas, sasapakin ko.’

“Hindi ko alam na pinsan siya ng mga barkada ko ’tapos, kinukuwento niya na may isang bakla na galit na galit siya.

“Hindi alam ng mga bakla na ako ang tinutukoy kaya hindi nagtagal din yung bet.

“Bet ko lang siya sa simula, pero naputol kasi nabwiset nga ako sa kanya,” sabi ni Vice.

NO WAY. Mas natsa-challenge ang mga bading kapag tipong hard to get ang lalaki, pero hindi raw talaga nagtuluy-tuloy ang pagkakagusto ni Vice kay Coco noon.

Katwiran niya, “Alam kong hindi puwede, e. At saka, ayaw ng mga pinsan niya.”

Sa mga pinsan ni Coco noon, may dyowa siya?

“Wala, pangas-pangas lang,” natawang biro niya.

Pero inamin rin ni Vice na marami rin naman talaga siyang natitipuhan noon.

“Marami kasi akong nabe-bet-an. Marami akong nakilalang bet ko ’tapos noong naging barkada mo, nawala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nahiya ka na kasi baka mawala ang respeto sa ‘yo, kahit ngayon, yung ibang barkada kong artista.

"Nagsimula rin na bet ko… 'Labas tayo,' gimmick-gimmick hanggang naging super close, hindi na.”

Ibig sabihin, yung hindi niya masyadong naging close o kabarkada, yun ang natutuloy?

“Oo, kapag bet ko talaga, achieve-in ko, ‘no! At saka, oo,” natawang sabi niya.

Dugtong pa ni Vice tungkol kay Coco, “Hindi magpapa-achieve sa akin ‘yan, ‘no! Mabubwiset lang ako lalo.

“Mapapahiya lang ako sa sarili ko... batukan lang ako.”

NOT TRUE. Itinanggi rin ni Vice ang lumabas daw sa isang blog site na sinasabing Chinese guy ang karelasyon niya ngayon. May larawan at pinangalanan na nga raw ang lalaki .

“Yung sinasabi niyo sa Fashion Pulis? It’s not true,” tahasang sagot ni Vice.

Pero siya ang nagbigay ng roses?

"Hindi, hindi rin siya; pareho lang kami ng ipinost.

"Unang-una, yung flowers na yun... pa-Instagram iyon ng flower shop kaya nga, 'di ba, ang caption ko, comedy.

"Kaso, yung mga tao, ang dudumi ng utak.

"Pareho kami ng ipinost, kunwari binigyan ka [ng flowers], pero kailangan i-Instagram.”

Pero in love siya ngayon?

“Always,” mabilis naman niyang sagot.

Yung dati pa rin ba ang boyfriend niya?

“I will not declare anything about my love life, I’ll keep it to myself,” natawang sabi na lang niya.

CONFIDENT. “Kampante po ako,” ang sagot naman ni Vice Ganda kung mayroon pa ba siyang kaba kahit “phenomenal” na number one sa box office ang bawa’t pelikula niya tuwing Metro Manila Film Festival.

“Unang-una, I really claim it,” deklara ni Vice sa ginanap na presscon ng Beauty and the Bestie kahapon, December 10, sa 9501 Restaurant.

“I claim it all the time na bobongga ‘to, malaki ang kikitain nito.

“Dati, sinabi ko sa Praybeyt Benjamin, P200 million ang kikitain nito.

“Yung sumunod na pelikula ko, P300[million], then P400 na nagkakatotoo naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi magkakilalang-magkakakilala kami ni Lord. Hindi Niya 'ko pine-fail, hindi Niya 'ko pinapahiya.

“Magkakilalang-magkakilala kami, kaya yung trust ko sa Kanya, alam na alam ko, kaya sobra 'kong kampante.

“Kapag tinatanong ako, 'Kampante ka ba?' Kampante ako kasi nakausap ko si Lord, e.

“Bukod sa paniniwala ko na ibibigay sa akin ni Lord ang hinihiling ko, yung trust ko sa team na kasama kong gumawa nito.

“Hindi ako pinabayaan kailanman, ang Viva Films hindi ako pinabayaan kailanman.

“Si Direk Wenn [Deramas] hindi ako pinabayaan kailanman; si Coco, kailanman hindi ako pababayaan niyan.

“Itong dalawa, hindi ako pababayaan niyan kaya nandito sila.

"Gusto nila 'kong suportahan at ako rin, gusto ko rin suportahan sila.

“We trust the product na ibibigay namin kaya alam na alam ko, kikita po ito.

“Sarili ko rin naman ang kalaban ko, record ko rin ang kalaban ko, kaya parang wala namang mawawala sa akin.”

NO ISSUE WITH KRIS. Kung siya ang tatanungin, ano sa palagay niya ang magiging box-office result ng mga pelikula sa MMFF, at pang-ilan kaya ang Beauty and the Bestie?

“Ay, I’m claiming number one, wala namang mawawala kung iki-claim ko.

“Siyempre I have to trust myself, I have to trust the project, yung management ko.

“I have to trust the Lord kaya masayang-masaya lang ako.

“Kung anuman ang ibig sabihin nun na magiging number one ako, magiging number one ako.”

At kahit pareho raw silang may entry ng kaibigang si Kris Aquino sa MMFF, susuportahan naman daw nila ang isa’t isa.

Kuwento ni Vice, “Support naman kami palagi, sa trailer pa lang nagtatawagan kami.

“‘Asawa, maganda ang trailer mo.’ ‘Ako rin, asawa, gusto ko ang trailer mo.’

Hindi na rin nila ginagawang issue ni Kris ang box-office competition sa MMFF.

“Hindi, ano ba, ang tatanda na namin, sobrang mature na namin,” saad ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN