Coco Martin ribs Vice Ganda about his love life; reveals his friend's latest conquest is not Chinese

They go back a long way since Coco Martin's waitering days and Vice Ganda's stints in comedy bars. Understandably, Coco is concerned about Vice's choice of men, "Basta ang gusto ko yung mahal siya, e. Ayoko nung parang pera lang ang gusto sa kanya.”


Madalas ibuking ni Coco Martin ang kaibigan niyang si Vice Ganda tungkol sa love life nito.

Sa presscon ng pinagbibidahan nilang entry ng Star Cinema at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2015, ang Beauty And The Bestie, may panibagong pambubuko na namang ginawa si Coco kay Vice.

Ginanap ang presscon noong Huwebes, Disyembre 10, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Natanong kasi ng entertainment columnist na si Allan Diones kung kilala na ba ni Coco ang bagong lalaki sa buhay ni Vice na umano’y nagbibigay ng black and white na roses?

“Sa kanya? Hindi naman nagbago iyon, e,” bulalas ni Coco.

Pero tila biglang kumambiyo ang aktor, “Hindi, ang ibig kong sabihin si Vice ang hindi nagbago, never siyang nagbago.”



Biro pa ni Coco,“Ano po, virgin ngayon iyan, hinahayaan niya lang ulit tumibok ang puso niya.”

Hindi ba parang tumitibok na ulit ang puso ni Vice?

“Hindi gaano, e.”

Isine-share ba ito ni Vice sa kanya?

“Hindi, lagi lang akong kumukuha ng impormasyon tungkol sa kanya.”

Chinese ba ulit ang bagong guy ni Vice ngayon?



“Ay, hindi!”

So, ano?

“Baka mag-away kami ulit, e,” biro ulit niya.

Pero alam ba ni Coco?

“Oo, naman po. Masaya ako, basta masaya po siya.”

Saan ba siya hindi masaya para sa kaibigan?

“Depende, 'pag alam kong pineperahan lang siya. Basta ang gusto ko yung mahal siya, e.

“Ayoko nung parang pera lang ang gusto sa kanya.”

Mga ilan ba yung pinerahan lang si Vice?

“Lahat halos, e,” sabay tawa ni Coco.

VICE REACTS. “Grabe siya,” bulalas ni Vice, “kaya ayoko talaga na sinasabi sa kanya, e.

“'Pag may ganyang tanong, kinakabahan na talaga ako.”

Si Vice naman ang natanong kung may girlfriend ba si Coco ngayon?

Tumawa muna nang malakas si Vice bago sinabing, “Ayoko din namang magsalita.

"Siyempre ayoko namang manggaling sa akin na, ‘Oo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na lang ang lahat pati si Coco sa pahayag ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN